Ella’s POV Hindi ko na alam kung ilang oras na akong nakaupo sa harap ng table. Mabigat na ang ulo ko, at parang nilalagnat na rin ako. Tumatakbo na halos isang linggo na halos wala akong tulog. Kahit kape, hindi na tumatalab. Ang mga mata ko, namumula na rin kakatingin sa miniature at mga detalye ng design na kailangan naming tapusin.“Ma’am Ella, okay lang po ba kayo?” tanong ni Dale, bitbit ang isang mug ng mainit na tsaa.“Oo, okay lang ako,” mahina kong sagot kahit halatang hindi na. “Kamusta na ‘yung lighting setup?”“Nasa stage pa lang po kami ng wiring, pero matatapos din ‘to ngayong gabi,” sabi niya. “Pero Ma’am, baka gusto n’yong umuwi muna. Nilalagnat na po kayo.”Umiling ako. “Hindi puwede. Isang linggo na lang, Dale. Hindi pa tayo nangangalahati. Paano kung hindi natin mahabol?”“Pero kung magkasakit kayo nang tuluyan, paano tayo makakatrabaho?” sagot ni Dale, halatang nag-aalala. “Kayo pa naman ‘yung nagde-design ng final layer.”Napayuko ako. “Kaya ko pa,” mahinang sab
最終更新日 : 2025-10-12 続きを読む