LOGINTINAWAGAN niya ang ‘Ate Lindsay’ niya. Nakikiramdam siya sa isasagot nito, “Ate, nabalitaan mo ba ang nangyari kay Hector? Alam kong hindi ako dapat maging masaya sa nangyari sa kanya pero para akong nabunutan ng tinik ngayong alam kong hindi na niya ako magugulo pa kahit na kailan.” “Nasaan ka?” iyon kaagad ang itinanong nito sa kanya. Mas lalo lamang lumalakas ang hinala niya. Hindi niya sinagot ang tanong nito. “Ate, nagtataka lang ako kung bakit biglang naiba ang statement ni Jenny. Na para bang may isang taong nasa likod niya para isabotage ang pagkatao ko.” “Bakit mo naman naisip yan? A-At saka sino naman ang gagawa niyan saiyo?” Katwiran ng Ate niya sa kanya. “Ewan ko. . .siguro isang taong may malaking inggit sa akin?” Sabi niya dito. Ang lakas ng tawa nito sa kanya, “At ano naman ang kaiinggitan saiyo? Look Aubrey, bakit hindi mo na lang kasi aminin ang katotohanang ipinagpalit mo si Anthony kay Hector. At nang makita mong masaya na sya sa piling ko, gusto mo sya uling
NANINDIG ang mga balahibo ni Aubrey nang maisip na baka may kinalaman nga ang ‘Ate Lindsay’ niya sa mga nagaganap na ito sa kanyang buhay.Hindi kaya sadyang sinasabotage siya nito para masira siya sa paningin ni Anthony at ng buong pamilya nito? Pero kapatid niya ito, saksi siya kung gaano siya nito kamahal.Hindi nga ba ar ibinuwis nito ang sariling buhay para lamang iligtas siya nuong seven years old lamang siya?Hindi naman siguro siya sisirain ng sariling kapatid nang dahil lamang sa isang lalaki?Ngunit hindi ba, minsan ay nakakagawa tayo ng isang bagay na taliwas sa ating paniniwala nang dahil lamang sa matinding pagmamahal? Paano kung sa sobrang pagmamahal ng Ate Lindsay niya kay Anthony kaya nagagawa ng Ate Lindsay niya ang mga bagay na ito?Napakurap kurap siya. Ngunit magagawa ba ng kapatid niyang sirain ang kanyang buhay para lamang maging maganda ito sa paningin ni Anthony?Ayaw niyang maniwala na magagawa siyang ibetray ng ‘Ate Lindsay’ ngunit habang inaanalisa niya ang
ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang pinakawalan ni Devorah nang makita ang babaeng dinala ng kanyang mga tauhan sa bodega. "Inutil talaga kayong lahat!" Sigaw niya, muli niyang sinampal ang matabang lalaki na nasa harapan niya, "Hindi siya ang ipinahahanap ko sa inyo." Nangangatal ang kanyang buong katawan sa galit. Kung hindi nga lamang kailangan niya ang mga ito, baka hindi lang sampal ang aabutin ng mga ito sa kanya, "Mga bobo!!!"Humihingal na naupo siya sa harapan ng babae saka nilingon ang kanyang mga tauhan, "Ngayon, sabihin ninyo sa akin kung anong gagawin ko sa babaeng ito?" Singhal niya.Napakamot sa ulo ang pinaka-lider sa mga tauhan niya. Bumalik ang tingin niya sa babaeng dinakip ng mga ito. Maganda ang babae, mestisa. Pero hindi ito si Lindsay. Hindi ito ang kailangan niya. Tumayo siya, "Since mga bobo kayo, siguraduhin ninyong ililigpit ninyo ng maayos ang babaeng yan!" Utos niya sa mga ito saka nagmamadali nang lumabas ng bodega.Kumukulo ang dugo niya sa kapalpakang gi
HINDI NIYA ALAM KUNG MASOKISTA NGA BA SIYANG TALAGA. Nangako siya sa kanyang sarili na ayaw na niyang makita pa si Aubrey matapos ng patong-patong na mga kasinungalingang ginagawa nito sa kanya. And yet nang bumalik siya sa Cebu ay pinuntahan niya ang kanyang Ninong Andres sa kompanya nito, ngunit alam niyang hindi naman ito ang talagang pakay niya kundi ang makita si Aubrey.Huli na ito, pangako niya sa kanyang sarili. Nangako siyang tutuldukan na niya ang lahat ng may kaugnayan sa babaeng ito. Ibabasura na niya ang kanyang damdamin para dito. Hindi worth mahalin ang isang gaya ni Aubrey.Gusto lang niya itong masilayan sa kahuli-hulihang pagkakataon. Nagbabakasakali siya na panaginip lamang ang lahat ng mga masasamang nangyari sa pagitan nila. Kumulimlim ang mukha niya nang malayo pa ay natanawan na niya ito kasama ni Raymart. May pait sa mga labing napangiti siya. Ano ng nangyari kay Hector? May bago na naman itong binibiktima? Hindi na talaga magbabago pa ang babaeng i
PINUNTAHAN NI MIRABELLA SI ANTHONY sa library. As usual ay umiinom na naman ito, nilapitan niya ito, "Please tama na, it's about time na ako naman ang pagtuunan mo ng pansin, Anthony. Ako ang tapat na nagmamahal saiyo. Tanggapin mo na lang na hindi ka talaga mahal ni Aubrey." Nakikiusap na sabi niya rito. Hindi ito nagsalita, sa halip ay muling tumungga ng alak. Inagaw niya mula dito ang hawak nitong baso at masuyo itong hinalikan sa mga labi.Napatitig sa kanya si Anthony."Mahal na mahal kita, Anthony. Tinatanggap ko ang lahat kahit ang sakit-sakit para sa akin na mas mahal mo si Aubrey. Pero sinasayang lang naman niya ang nararamdaman mo. Si Hector ang talagang mahal niya. Pera mo lang ang gusto niya saiyo. Masakit dahil kapatid ko siya pero iyon ang totoo."Ramdam niya ang nanunuot na sakit ng kaloobang nararamdaman ni Anthony ng mga sandaling iyon. Muli niya itong siniil ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay hindi ito tumutugon ngunit maya-maya ay unti-unti na rin itong n
“I AM SORRY, Hindi ko pala kayang magsinungaling para lang pagtakpan ang kataksilan mo kay Anthony,” Dinig ni Aubrey na sabi ni Jenny. Kitang kita niya ang pagkulimlim ng mukha ni Anthony. Lumingon si Jenny sa kanya, “Aminin mo na lang ang totoo na talagang si Hector ang mahal mo at ginagamit mo lang si Anthony dahil sa pera nya.”Nabigla siya sa sinabing iyon ng kaibigan. Lumalabas pa ngayon na nakipagsabwatan siya kay Jenny para mapagtakpan ang ‘kataksilan’ niya kay Anthony. Napailing siya, “ Hindi totoo yan,” aniya kay Anthony at sa ‘Ate Lindsay’ niya. “Jenny, magsabi ka ng totoo. Pinagtangkaan kang patayin ni Hector, hindi ba, dahil ikaw lang ang. . .”“Tama na ang kalokohang ito, Aubrey!” Kung nakamamatay ang tingin, baka namatay na siya sa klase ng tinging ipinupukol nito sa kanya.“Aubrey, pinapunta mo kami dito ni Anthony para lang mapaniwala sa kasinungalingan mo?” Sumbat naman ng ‘Ate Lindsay’ niya sa kanya. “Mahal kita dahil kapatid kita. Pero hindi ko kukunsintihin itong b







