ANMELDENRAMDAM NI JESSICA na pinagtsi-tsimisan siya ngayon ng kanyang mga kabarkada dahil nagpakasal siya kay Don Andres Racelis na triple ang edad sa kanya. Hindi rin nagustuhan ng mga ito ang ginawa niyang pakikipagkalas kay Edward.Maski ang kanilang mga kapitbahay at ilang mga kamag-anak ay ang baba baba ng tingin ngayon sa kanya. Na para bang isang napakalaking kasalanan at nakakapandiri ng ginawa niya. "Hayaan mo lang sila, inggit lang ang mga iyon saiyo dahil asawa ka na ngayon ng pinakamayaman dito sa Cebu at isa sa pinakamayaman sa buong Pilipinas! Or baka nga sa buong Asia!" anang Kuya Dino niya.Hindi siya umimik."Wala sila sa sapatos natin kaya hindi nila tayo maiintindihan. Pero para sa akin, isang kadakilaan ang ginawa mo, Jessica. Hindi lang buhay ni Tatay ang dinugtungan mo kundi ang kabuhayan natin. Hindi ko siguro alam kung anong gagawin ko kundi sa tulong mo.""Kuya, sana makahanap na tayo ng donor ni tatay sa lalong madaling panahon." aniya sa kapatid, "Hindi pa ri
HINDI NGA AKO NAGKAMALI, anang utak ni Justin matapos iabot sa kanya ng inupahan niyang private detective ang ilang mga larawang kuha nito. Binayaran niya ng malaki ang private detective para alamin ang tungkol sa pagkatao ng napangasawa ng kanyang ama. Nagtangis ang kanyang mga bagang nang tingnan ang larawan ni Jessica kasama ng kasintahan nito. Binasa rin niya ang ilang documents na kasama ng mga larawan.Nagbigay ang Papa niya ng thirty five million kapalit ng pagpayag ni Jessica na pakasal dito.Hindi siya makapaniwalang may mga babaeng gaya ni Jessica na gagamitin ang kagandahan makuha lang ang gusto. And panigurado niya, panimula pa lang ang thirty five million. Alam niyang hindi nito titigilan ang kanyang ama sa panghuhuthot dito. Matalino ang kanyang ama and yet nagawa nitong magpabola sa babaeng iyon?Thirty five million? Huh, that's a huge amount of money. Mas lalo lamang lumiit ang tingin niya kay Jessica sa kanyang nalaman. Napakalaking halaga ng thirty five milli
RAMDAM NI JESSICA ang tila nakakapasong mga titig ng panganay na anak ni Don Andres Racelis habang matiim itong nakatingin sa kanya. Si Justin Racelis. Guwapo, matangkad at tila hindi marunong ngumiti. Hindi naman lingid sa kanya na tutol na tutol ito sa kasalang ito. Ilang beses pa nga nitong pinagsabihan ang ama na hindi naman nila kailangang magpakasal. Bakit hindi na lamang daw makipag-live in si Don Andres Racelis sa kanya.Ngunit pursigido ang matanda na pakasalan siya kaya wala ng nagawa pa ang mga anak nito.Hindi inaalis ni Justin ang tingin sa kanya. Actually nakatitig ito na waring hinuhubaran siya unti-unti. Pakiramdam tuloy niya ay nanunuot iyon hanggang sa kanyang mga kalamnan. Hindi tuloy niya magawang salubungin ang tingin nito.Alam niyang pinag-aaralan nito ang bawat kilos niya. At alam rin niyang ngayon pa lang ay nahusgahan na siya nito.Sabagay, kung aakusahan siya nito na pera lang ang dahilan kaya siya nagpakasal sa ama nito ay totoo naman iyon. Pero g
MY FATHER'S BRIDE"IKAW NA LANG ANG PAG-ASA NAMIN para mailigtas si tatay, Jessica," nakikiusap na sabi ng Kuya Dino niya habang umiiyak ito, "Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Baon na ako sa utang sa boss ko para lang mapagamot si tatay. . .kaya nang makita ko ang interes niya saiyo, sinamantala ko na iyon para maisalba natin si tatay.""Pero sana kinunsulta mo muna ako, Kuya." Naghihinanakit na sagot niya sa kapatid."Gulong-gulo na ang utak ko ng oras na iyon. Isa pa, kapag hindi natin siya nabayaran, kukunin niya ang sakahan natin. At alam mo naman kung gaano iyon kamahal ni tatay." Paliwanag nito sa kanya, "Sana maintindihan mo ako, Jessica."Napakagat labi siya. May kasintahan siya, si Edward. Actually, nagplaplano na silang magpakasal dangan nga lamang at nagkasakit ang tatay niya. Litong-lito ang utak niya habang nakatingin sa kanyang Kuya Dino. Hindi niya alam kung ano ang kanyang isasagot sa kapatid. Sila lamang dalawa ang nagtutulungan para sa pamilyang ito.
ANG ATE LINDSAY niya ang naghatid sa kanya sa dambana kung saan naghihintay si Anthony. Si Jenny naman ay ang kanyang bridesmaid."Huwag kang umiyak at masisira ang make up mo," bulong ng Ate Lindsay niya sa kanya, nagsisimula na kasing sumiwang ang mga luha sa kanyang mga mata. Napangiti sya dahil ang Ate Lindsay niya ay kanina pa umiiyak."Ate, ayaw mo akong paiyakin pero ikaw kanina pa iyak ng iyak. Ayan tuloy, sira na ang make up mo." sabi niya sa kapatid."Okay lang akong umiyak, hindi naman ako ang bride. Pero ikaw, dapat magandang-maganda ka para sa mga pictures." sabi nito sa kanya.Natawa na lamang siya. Eversince, palaging ang kapakanan at kaligayahan niya ang inaalala ng Ate Lindsay niya. Ramdam na ramdam niya ito. Alam niya ang genuine na pagmamahal nito. Hindi gaya ng impostor na babaeng iyon na pilit na pilit lamang kaya kahit anong gawin nito, never siyang naging close dito.WALANG PAGSIDLAN NG LABIS NA KALIGAYAHAN SI ANTHONY habang nakatingin siya kay Aubrey na
HINDI HUMIHINGA ANG LAHAT habang nakamasid kay Anthony sa pagpropropose nito kay Aubrey. Si Mrs. Joan Montejar at Luis Montejar ay magkahawak kamay at parehong kinakabahan habang hinihintay ang magiging sagot ng dalaga sa kanilang panganay na anak na si Anthony.Aminado naman si Joan na si Aubrey talaga ang gusto niyang makatuluyan ng kanyang anak dahil dito lamang niya nakitang labis na maligaya ang binata.Si Yuri at Lindsay ay magkahawak kamay habang nakaabang rin sa dalaga.Talagang ipina-reserve ng mga magulang ni Anthony ang lugar na ito para sa pagpropropose ni Anthony kay Aubrey.Nasa Tagaytay sila sa pinakamataas na lugar dito, at mula sa kanilang kinaroroonan ay matatanaw sa ibaba ang Maynila.Very special ang okasyong ito kaya inarkila nila ang buong restaurant para lamang sa kanila. Nakaluhod si Anthony at halatang kinakabahan habang naghihintay sa isasagot ni Aubrey. PUMAPATAK ANG MGA LUHA NI AUBREY habang nakatitig siya kay Anthony habang nakaluhod ang binata at hawa







