ANMELDENNANINDIG ang mga balahibo ni Aubrey nang maisip na baka may kinalaman nga ang ‘Ate Lindsay’ niya sa mga nagaganap na ito sa kanyang buhay.Hindi kaya sadyang sinasabotage siya nito para masira siya sa paningin ni Anthony at ng buong pamilya nito? Pero kapatid niya ito, saksi siya kung gaano siya nito kamahal.Hindi nga ba ar ibinuwis nito ang sariling buhay para lamang iligtas siya nuong seven years old lamang siya?Hindi naman siguro siya sisirain ng sariling kapatid nang dahil lamang sa isang lalaki?Ngunit hindi ba, minsan ay nakakagawa tayo ng isang bagay na taliwas sa ating paniniwala nang dahil lamang sa matinding pagmamahal? Paano kung sa sobrang pagmamahal ng Ate Lindsay niya kay Anthony kaya nagagawa ng Ate Lindsay niya ang mga bagay na ito?Napakurap kurap siya. Ngunit magagawa ba ng kapatid niyang sirain ang kanyang buhay para lamang maging maganda ito sa paningin ni Anthony?Ayaw niyang maniwala na magagawa siyang ibetray ng ‘Ate Lindsay’ ngunit habang inaanalisa niya ang
ISANG MALAKAS NA SAMPAL ang pinakawalan ni Devorah nang makita ang babaeng dinala ng kanyang mga tauhan sa bodega. "Inutil talaga kayong lahat!" Sigaw niya, muli niyang sinampal ang matabang lalaki na nasa harapan niya, "Hindi siya ang ipinahahanap ko sa inyo." Nangangatal ang kanyang buong katawan sa galit. Kung hindi nga lamang kailangan niya ang mga ito, baka hindi lang sampal ang aabutin ng mga ito sa kanya, "Mga bobo!!!"Humihingal na naupo siya sa harapan ng babae saka nilingon ang kanyang mga tauhan, "Ngayon, sabihin ninyo sa akin kung anong gagawin ko sa babaeng ito?" Singhal niya.Napakamot sa ulo ang pinaka-lider sa mga tauhan niya. Bumalik ang tingin niya sa babaeng dinakip ng mga ito. Maganda ang babae, mestisa. Pero hindi ito si Lindsay. Hindi ito ang kailangan niya. Tumayo siya, "Since mga bobo kayo, siguraduhin ninyong ililigpit ninyo ng maayos ang babaeng yan!" Utos niya sa mga ito saka nagmamadali nang lumabas ng bodega.Kumukulo ang dugo niya sa kapalpakang gi
HINDI NIYA ALAM KUNG MASOKISTA NGA BA SIYANG TALAGA. Nangako siya sa kanyang sarili na ayaw na niyang makita pa si Aubrey matapos ng patong-patong na mga kasinungalingang ginagawa nito sa kanya. And yet nang bumalik siya sa Cebu ay pinuntahan niya ang kanyang Ninong Andres sa kompanya nito, ngunit alam niyang hindi naman ito ang talagang pakay niya kundi ang makita si Aubrey.Huli na ito, pangako niya sa kanyang sarili. Nangako siyang tutuldukan na niya ang lahat ng may kaugnayan sa babaeng ito. Ibabasura na niya ang kanyang damdamin para dito. Hindi worth mahalin ang isang gaya ni Aubrey.Gusto lang niya itong masilayan sa kahuli-hulihang pagkakataon. Nagbabakasakali siya na panaginip lamang ang lahat ng mga masasamang nangyari sa pagitan nila. Kumulimlim ang mukha niya nang malayo pa ay natanawan na niya ito kasama ni Raymart. May pait sa mga labing napangiti siya. Ano ng nangyari kay Hector? May bago na naman itong binibiktima? Hindi na talaga magbabago pa ang babaeng i
PINUNTAHAN NI MIRABELLA SI ANTHONY sa library. As usual ay umiinom na naman ito, nilapitan niya ito, "Please tama na, it's about time na ako naman ang pagtuunan mo ng pansin, Anthony. Ako ang tapat na nagmamahal saiyo. Tanggapin mo na lang na hindi ka talaga mahal ni Aubrey." Nakikiusap na sabi niya rito. Hindi ito nagsalita, sa halip ay muling tumungga ng alak. Inagaw niya mula dito ang hawak nitong baso at masuyo itong hinalikan sa mga labi.Napatitig sa kanya si Anthony."Mahal na mahal kita, Anthony. Tinatanggap ko ang lahat kahit ang sakit-sakit para sa akin na mas mahal mo si Aubrey. Pero sinasayang lang naman niya ang nararamdaman mo. Si Hector ang talagang mahal niya. Pera mo lang ang gusto niya saiyo. Masakit dahil kapatid ko siya pero iyon ang totoo."Ramdam niya ang nanunuot na sakit ng kaloobang nararamdaman ni Anthony ng mga sandaling iyon. Muli niya itong siniil ng halik sa mga labi. Sa umpisa ay hindi ito tumutugon ngunit maya-maya ay unti-unti na rin itong n
“I AM SORRY, Hindi ko pala kayang magsinungaling para lang pagtakpan ang kataksilan mo kay Anthony,” Dinig ni Aubrey na sabi ni Jenny. Kitang kita niya ang pagkulimlim ng mukha ni Anthony. Lumingon si Jenny sa kanya, “Aminin mo na lang ang totoo na talagang si Hector ang mahal mo at ginagamit mo lang si Anthony dahil sa pera nya.”Nabigla siya sa sinabing iyon ng kaibigan. Lumalabas pa ngayon na nakipagsabwatan siya kay Jenny para mapagtakpan ang ‘kataksilan’ niya kay Anthony. Napailing siya, “ Hindi totoo yan,” aniya kay Anthony at sa ‘Ate Lindsay’ niya. “Jenny, magsabi ka ng totoo. Pinagtangkaan kang patayin ni Hector, hindi ba, dahil ikaw lang ang. . .”“Tama na ang kalokohang ito, Aubrey!” Kung nakamamatay ang tingin, baka namatay na siya sa klase ng tinging ipinupukol nito sa kanya.“Aubrey, pinapunta mo kami dito ni Anthony para lang mapaniwala sa kasinungalingan mo?” Sumbat naman ng ‘Ate Lindsay’ niya sa kanya. “Mahal kita dahil kapatid kita. Pero hindi ko kukunsintihin itong b
MUNTIKAN nang mabitiwan ni Mirabella ang kanyang cellphone sa sinabi ni Aubrey. “N-Nagkita kayo ni Jenny? Nasaan kayo?” “Oo ate. At tutulungan nya akong ipaliwanag sa buong pamilya ni Anthony ang nangyari. Si Jenny ang susi sa katotohanan, ate. Sya ang magpapatotoo kay Anthony na kahit na kailan hindi ko sya pinagtaksilan!” Binalot ng takot ang buong pagkatao niya habang nakikinig sa sinasabi ni Aubrey. Kapag nalaman ni Anthony ang totoo, tapos ang maliligayang araw niya. “N-Nasaan ka?” “Nandito ako sa Cebu, ate.” sagot nito sa kanya. Kailangang maunahan niya si Aubrey. Hindi maaring malaman ng lahat ang tungkol dito. Kailangang mapigilan niya si Aubrey. “San eksakto sa Cebu?” “Dito sa Mactan.” “Mag iingat ka Aubrey. Hindi ko alam kung dapat mo nga bang pagkatiwalaan si Jenny.” “Ate, si Jenny ang kasama ko nang dukutin ako ni Hector. May ipinainom na kung ano sa akin si Hector kaya wala akong maalala, ate.” dinig niyang sabi nito sa kanya, “Ngayon ako mas naniniwalang may ku







