공유

CHAPTER 64

작가: Michelle Vito
last update 게시일: 2026-03-18 03:51:35

"BY THE WAY, ANTHONY. I HOPE YOU CAN MAKE IT ON OUR COMPANY'S fifty five years anniversary. Sa susunod na linggo na iyon. Kung madadala mo ang asawa mo, mas mabuti para makilala ko rin," sabi ng kanyang Ninong Andres habang nagdi-dinner sila sa isang mamahaling restaurant dito sa Cebu. Bumaling ito sa bunsong anak na si Raymart. "Iho, siguro naman sa ika-fifty five years ng kompanya, may maipapakilala ka na sa aking matinong girlfriend. Iyong wife material?" pabirong sabi nito dito, "K
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터

최신 챕터

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 6

    NATIGILAN SI JUSTIN sa sinabing iyon ng nakababatang kapatid na si Raymart. Bigla ay naalala niya nang una niyang makita si Jessica. Kasama ito ng kapatid nitong si Dino na nagtratrabaho bilang operating manager sa kanilang textile company. Hindi na niya matandaan kung bakit kasama nito ang dalaga. Ngunit natatandaan niya ang una niyang naramdaman nang masilayan ang babaeng iyon.And then ang mga sumunod na pangyayari ay nalaman na lamang niyang ikakasal na ito sa Papa niya. Iwinaksi niya ang naiisip at muling bumalik ang galit na nararamdaman. Nagbukas siya ng alak at uminom. Habang umiinom ay tumunog ang kanyang phone. Ang ex-girlfriend niyang si Mayet ang tumatawag sa kanya. Hindi niya iyon sinagot. Ngunit mukhang wala itong balak na tumigil sa katatawag sa kanya hangga't hindi niya ito sinasagot kaya inilagay na lamang niya sa silent mode ang kanyang phone.Six months nang mahigit simula nang makipagkalas siya dito. Oo, siya ang nakipagkalas sa babae dahil nahuli niya

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 5

    PAKIRAMDAM NI JESSICA ay isang laser na nanunuot hanggang sa kanyang kaloob-loobang himaymay ang mga mata ni Justin sa tuwing tumitingin ito sa kanya. At ewan ba niya kung bakit nakakapagdulot iyon ng sobrang nerbyos sa kanya. Kaya naman sa tuwing bumabaling ang tingin nito sa kanya ay kaagad siyang umiiwas dito.Alam niyang sa isipan nito ay katakot-takot na pagmumura ang ginagawa nito laban sa kanya. Wala ba itong girlfriend? Baka kung may kasintahan ito, kahit na paano ay maiintindihan nito ang nararamdaman para sa kanya ni Andres?"Pa, since may expansion tayo sa Manila, napag-isipan kong iyon na lang ang tututukan ko." dinig niyang sabi nito kay Andres, muli itong pasimpleng bumaling sa kanya, "But it does not mean hindi ko na babantayan ang mga negosyo natin dito sa Cebu, lalo na ang textile company natin." Sabi nitong parang siya talaga ang pinariringgan, "May mga mapagkakatiwalaan akong mga tauhan dito na tututok sa lahat. And by the way, Jessica. . ."Kumunot ang nuo niy

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 4

    "PARA SAAN ITO, ANDRES?" Tanong ni Jessica sa asawa nang iabot nito sa kanya ang isang malaking box na naglalaman ng isang set ng mamahaling mga alahas, relos, branded bags at mga sapatos. Kahapon lang ay marami rin itong mga mamahaling damit na dinala ng kaibigan nitong stylist para sa kanya. Halos araw-araw ay may mga regalo para sa kanya si Andres. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya sa ginagawa nito dahil ayaw niyang mag-isip ng hindi maganda ang mga anak nito lalo na at pinagbibintangan na siya ng mga itong isang gold digger.Kung tutuusin, may katotohanan naman ang paratang ng mga ito dahil una, hindi naman siya papakasal kay Andres kung hindi dala ng pangangailangan. Pangalawa, totoo namang pinakasalan niya ito kahit wala siyang nararamdamang pagmamahal para dito.Ngunit never niyang inaabuso ang kabaitan at pagmamahal sa kanya ni Andres. Sapat nang natulungan nito ang pamilya niya at maipagamot ang tatay niya."Hindi ko matatanggap ito," sabi niyang ibinalik dito ang bo

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 3

    RAMDAM NI JESSICA na pinagtsi-tsimisan siya ngayon ng kanyang mga kabarkada dahil nagpakasal siya kay Don Andres Racelis na triple ang edad sa kanya. Hindi rin nagustuhan ng mga ito ang ginawa niyang pakikipagkalas kay Edward.Maski ang kanilang mga kapitbahay at ilang mga kamag-anak ay ang baba baba ng tingin ngayon sa kanya. Na para bang isang napakalaking kasalanan at nakakapandiri ng ginawa niya. "Hayaan mo lang sila, inggit lang ang mga iyon saiyo dahil asawa ka na ngayon ng pinakamayaman dito sa Cebu at isa sa pinakamayaman sa buong Pilipinas! Or baka nga sa buong Asia!" anang Kuya Dino niya.Hindi siya umimik."Wala sila sa sapatos natin kaya hindi nila tayo maiintindihan. Pero para sa akin, isang kadakilaan ang ginawa mo, Jessica. Hindi lang buhay ni Tatay ang dinugtungan mo kundi ang kabuhayan natin. Hindi ko siguro alam kung anong gagawin ko kundi sa tulong mo.""Kuya, sana makahanap na tayo ng donor ni tatay sa lalong madaling panahon." aniya sa kapatid, "Hindi pa ri

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 2

    HINDI NGA AKO NAGKAMALI, anang utak ni Justin matapos iabot sa kanya ng inupahan niyang private detective ang ilang mga larawang kuha nito. Binayaran niya ng malaki ang private detective para alamin ang tungkol sa pagkatao ng napangasawa ng kanyang ama. Nagtangis ang kanyang mga bagang nang tingnan ang larawan ni Jessica kasama ng kasintahan nito. Binasa rin niya ang ilang documents na kasama ng mga larawan.Nagbigay ang Papa niya ng thirty five million kapalit ng pagpayag ni Jessica na pakasal dito.Hindi siya makapaniwalang may mga babaeng gaya ni Jessica na gagamitin ang kagandahan makuha lang ang gusto. And panigurado niya, panimula pa lang ang thirty five million. Alam niyang hindi nito titigilan ang kanyang ama sa panghuhuthot dito. Matalino ang kanyang ama and yet nagawa nitong magpabola sa babaeng iyon?Thirty five million? Huh, that's a huge amount of money. Mas lalo lamang lumiit ang tingin niya kay Jessica sa kanyang nalaman. Napakalaking halaga ng thirty five milli

  • Pahiram ng Isang Sandali   CHAPTER 1

    RAMDAM NI JESSICA ang tila nakakapasong mga titig ng panganay na anak ni Don Andres Racelis habang matiim itong nakatingin sa kanya. Si Justin Racelis. Guwapo, matangkad at tila hindi marunong ngumiti. Hindi naman lingid sa kanya na tutol na tutol ito sa kasalang ito. Ilang beses pa nga nitong pinagsabihan ang ama na hindi naman nila kailangang magpakasal. Bakit hindi na lamang daw makipag-live in si Don Andres Racelis sa kanya.Ngunit pursigido ang matanda na pakasalan siya kaya wala ng nagawa pa ang mga anak nito.Hindi inaalis ni Justin ang tingin sa kanya. Actually nakatitig ito na waring hinuhubaran siya unti-unti. Pakiramdam tuloy niya ay nanunuot iyon hanggang sa kanyang mga kalamnan. Hindi tuloy niya magawang salubungin ang tingin nito.Alam niyang pinag-aaralan nito ang bawat kilos niya. At alam rin niyang ngayon pa lang ay nahusgahan na siya nito.Sabagay, kung aakusahan siya nito na pera lang ang dahilan kaya siya nagpakasal sa ama nito ay totoo naman iyon. Pero g

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status