Kung gaano kalapat ang nagngangalit kong ngipin ay ganundin ang diin ng hila ng mga daliri ko sa buhok niya. Gigil na gigil. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob kong nararamdaman na naipon na sa loob ko. Lumuwag lang iyon nang pagsasampalin ako ni Tita. Marahas niya na akong itinulak palayo kay Raquel na siya namang umatake sa akin. “Wala kang utang na loob! Matapos ka naming bigyan ng tahanan at pamilya, ito ang igaganti mo sa amin?!” agad nitong panunumbat na kung itrato ako ay animo sampid, “Sa inyong dalawa ng anak ko, mas deserve ni Raquel ang maging maligaya! Narinig mo, Amara? Mas deserve niya ang boyfriend mo. Bakit ayaw mong magpaubaya, ha?!”Mapakla na akong napangiti. Hindi makapaniwala na maririnig ko iyon mula sa bibig ni Tita. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ano raw, binigyan nila ako ng tahanan? E bahay ‘to ng Mama at Papa ko bago sila dumating, kaya paanong naging kanila ito? Binigyan nila ako ng pamilya? Ganito ba ang tamang trato sa kapamilyang sinasabi nila?
Terakhir Diperbarui : 2025-07-30 Baca selengkapnya