Nanliliit at halos maiyak, iyon ang pakiramdam ko habang tahimik na nakaupo ako sa aking table. Hindi ko man marinig ang pinagsasabi ng mga kasamahan ko, alam kong pinag-uusapan nila ako dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Isang oras? Amara isang oras mo silang pinaghintay!
Napapiksi ako. Kasalanan ko. Aminado ako, pero may magagawa ba iyong solusyon ngayon?
Napasinghot na ako habang pilit inaaliw ang sarili na wala lang iyon. Huwag ko na lang ulit pansinin. Okay lang na magkamali. Ang lahat naman ay nagkakamali lalo na kapag bago pa lang. Paulit-ulit ko ‘yung sinasabi sa aking isipan pero hindi ko magawang dayain ang aking sarili lalo pa at napansin ko ang panaka-nakang tingin nila sa akin na halatang mayroong laman. Sobrang nagui-guilty na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko upang mabawi ang aking sarili dito.
Bilhan ko pa ba sila ng kape? Paano kung tanggihan nila? Paano ko ‘yun uubusin? Marami sila.
Hindi ako pinapapasok pa ni Mr. Saviano sa loob ng office niya. Naisip ko tuloy hindi ba niya ako uutusan? Hindi ba siya hihingi ng wine gaya kahapon? Tutunganga na lang ba ako dito ngayon?
Parang ang unfair naman nito sa kanila lalo na sa kumpanya. Wala akong ginagawa pero mayroon akong sweldo. Muling sumagi sa aking isip ang isa sa mga naging litanya niya kanina.
Make the salary the company pays you worth it!
Mariin na akong napapikit. Iba na ang dating ngayon noon sa akin na parang wala akong silbi.
Hello? Isang araw pa lang ako sa company, ni hindi ko pa nahahawakan isang sintemo ng sahod ko. Sabagay, baka dala lang iyon ng bugso ng damdamin ni Mr. Saviano kung kaya niya nasabi ito.
Come on, Amara. Bakit pinagtatanggol mo siya? Ganun talaga ang ugali niya, mabangis di ba?
Sa halip na mag-overthink, inabala ko na lang ang sarili sa pagbabasa ng mga notes at pag-o-organize ng ibang mga bagay sa aking table at kaharap na computer. Nagkaroon ng short break ang mga kasamahan ko na nagtungo ng pantry, kasama dapat nila ako ngunit dahil sa hiya ko sa nangyari kanina kahit medyo nagugutom ako ay hindi ako pumunta upang maki-join doon.
“Hindi ka nagugutom?” si Rachel, iyong babae kahapon na siyang nagturo sa akin.
Pilit akong ngumiti, bahagyang iniiling ang ulo. Tiningnan ang cup ng kape na kanyang dala.
“Iyong galit ni Mr. Saviano, valid naman iyon kaya dapat na tanggapin mo. Kung hindi ka marunong tumanggap ng pagkakamali mo at magiging balat-sibuyas ka,” saglit itong tumigil at iniiling ang kanyang ulo. “Hindi ka magtatagal sa trabahong ito. Wala pa iyan sa inabot ng mga secretary na nauna sa’yo. Sinabi ko naman sa’yo noong una pa lang di ba? Sana naalala mo iyon.”
Muli akong tumango. Ngumiti pang muli para ipakita na ayos lang ako.
“Thanks, Rachel. Sa tingin mo paano ko ma-compensate ang mga kasamahan natin? Nahihiya ako dahil sa nagawa ko kanina.” tanong ko ng sinamantala iyon, siguradong may alam siya doon.
“Hmm, coffee? Pero may coffee maker tayo sa pantry. Libre. Hindi na kailangang bayaran.”
Napahawak na ako sa batok ko. Hindi ko pa sila kayang i-treat ng dinner o mas mamahaling bagay lalo at simot ang savings ko, may natago man ako na cash pero pang-allowance ko na lang.
“Hindi ko pa kasi kayo kayang i-treat ng dinner, wala pa akong sweldo.” pangunguna ko dahil baka iyon ang sunod na sabihin niya, mabuti na iyong malinaw iyon sa kanila. Ganun kasi ang napapanood ko sa mga korean drama kapag may bagong hired na employee. “Sa sahod na lang…”
“Hmm, hindi naman mahirap pasayahin ang mga kasamahan natin. Simpleng ice cream lang on cup, pwede na ‘yun kaso bukas mo na lang gawin para medyo hupa na ang inis nila sa’yo. Maintindihan mo rin sana na delay ang trabaho nila kanina. It’s okay, Amara. You can do it!”
Hindi na rin siya nagtagal sa harap ko at umalis na. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi ni Rachel. Mukha naman siyang mabait at saka naiintindihan ang mga nangyari.
Bago ang lunch break, lumabas si Mr. Saviano at sinama ako sa meeting. Walang pagbabago ang hilatsa ng mukha nito kanina noong dumating akong late. Hindi ko tuloy alam kung galit pa rin siya sa akin, malamang ay galit pa rin. Ayokong mag-sorry na naman. Ano ako sirang plaka?
Tahimik lang akong sumunod sa kanya. Hindi pinapansin ang mga matang nakabuntot na sa amin. Seryosong pinakinggan ang lahat ng kanyang sinasabi upang wala akong ma-miss kahit isa. Ilang oras ang itinagal noon kaya naman pagbalik namin sa office niya, mag-isa na lang akong kumain ng lunch dahil tapos na sila. May kasabay pa naman ako kaso mga nasa ibang department na panay ang tingin sa akin na halatang mayroong. Hindi rin namin sila ka-palapag kaya hindi pamilyar sa akin ang kanilang mukha. Malamang ay dahil bago ako? O baka kumalat na ang balita hanggang sa kanila na late ako ng isang oras? Namasa na naman ang mga mata ko.
Hindi ako sigurado. Pero puno ng pang-aakusa at panghuhusga ang mga titig nila sa akin na para bang kilala nila ako mula ulo hanggang paa. Madiin pa ang iba doon na sa isip ko ay pinagkakatuwaan ako o pinagtatawanan ng lihim. Tila nanghuhubad naman ang iba pa. Minadali ko ng tapusin ang pagkain. Hindi ko na kasi iyon malunok. Tuluyan na akong nawalan ng gana.
Pagbalik ko ng table ay naabutan ko si Mr. Saviano na nasa may table ko. Tumingin siya sa orasan na nasa kanyang bisig kung kaya naman mas binilisan ko ang mga hakbang. Overbreak ba ako?
“Sir—”
“May meeting ako sa labas. Get ready yourself. We will leave in ten minutes.”
Pagkasabi noon ay muli siyang pumasok sa kanyang opisina. Natataranta naman akong nagtungo ng banyo upang sipatin lang ang sarili ko matapos na ihanda ang mga dadalhin namin. Sinabihan niya akong may another meeting kanina, kaya naihanda ko na ang ibang dadalhin. Hindi naman niya sinabing aalis rin kami agad, hindi sana ako kumain sa cafeteria ng matagal. Natigilan ako nang palabas na sana ako ng cubicle nang may marinig na nag-uusap sa labas. Sa totoo lang, wala naman akong pakialam pero nabanggit nito ang aking pangalan kaya ako ‘yun.
“Let’s have a bet kung hanggang kailan tatagal ang bagong secretary ni Mr. Saviano.” hagikhik pa nito na parang may kumikiliti, “Pangalawang araw pa lang late na ng isang oras. Oh my gosh!”
“Kaya nga, sabi ni Rachel kahapon nagkamali rin daw iyon. Mukhang lutang. Imagine mo nagpapasalin si Mr. Saviano ng wine, aba ang gaga lalayasan si Sir sa loob ng kanyang opisina. Itinuro naman daw niya iyon sa kanya pero ewan ko ba kung bakit tatanga-tanga! Pinapahiya niya ang sarili niya kay Sir, grabe di ba? Kapasa-pasa bang secretary iyon? Sana kasambahay na lang ang pinasukan niya. Doon pwede ang tanga.”
Mabigat ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya. Puno ng pananantiya. Siguro kailangan kong mag-explain ng sarili. Ngunit bago ko pa iyon magawa, inutusan na niya akong kunan siya ng favorite niyang wine. Maliksi na sinunod ko ‘yun. Umaasa na iyon lang ang kailangan niya sa akin kung kaya ako pinapasok sa loob ng kanyang office. Tumayo ako sa gilid ng table niya habang hinihintay maubos ang laman ng baso niyang hawak upang mailigpit ko iyon matapos niyang maubos. Kumapal na ang hangin sa paligid nang muli niya akong tiningnan. Napaiwas na ako ng tingin sa kanya. Kinakabahan na sa mga sasabihin niya. Ito na ba iyon? Mananabon na?“Miss Del Prado, won’t you explain yourself?” Nahigit ko ang hininga.Anong kailangan kong e-explain? Hindi ko nga alam kung paanong nangyari iyon? Ibinuka ko ang nangangatal na labi. Tatanggapin ko na lang. Hindi na ako mangangatwiran. “Hindi na po kailangan, Sir. Mali po ako. Nagkamali po ako.” Natahimik siya ng ilang segundo. Muli akong tiningnan ngunit
Naikuyom ko ang aking dalawang kamao na nakatago sa aking likuran. Mariin na mariin na kulang na lang ay bumaon ang aking kuko sa aking mga palad. Kung hindi ko iyon gagawin ay tiyak na iiyak na talaga ako at hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko. Wala namang ibang nakakarinig. Nasa VIP room kami pero, pakiramdam ko yurak na yurak ni Mr. Saviano ang pagkatao ko. Tanggap ko naman ulit. Nagkamali na naman kasi ako na para bang may sumasabotahe sa akin upang danasin lang ito. Wala naman akong masamang intensyon. Dalisay ang hangarin ng puso ko. Gusto ko lang namang makabangon agad sa pagkakasadlak sa ginawa ni Andy. Nais ko lang makahinga sa bahay namin pero bakit ang hirap noong gawin? Bakit ang daming hadlang? Bakit parang ayaw maki-ayon sa akin ng Tadhana? Ayaw akong pagbigyan.“Mr. Saviano, k-kukunin ko na lang po—” “It's been a two-hour drive, do you think we can wait for you here for four hours?” galaiting tanong ni Mr. Saviano, sa tono na parang sinasabi nitong hindi ba ako nag
Sabay silang nagtawanan. Buong akala ko pa naman ay kakampi ko si Rachel, pero bakit nakalabas iyon? Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng nangyari. Imposible namang si Mr. Saviano ang magkalat noon sa ibang empleyado. Malamang ay sinabi ni Rachel iyon sa kanila. Pamilyar sa akin ang boses nila, at naging malinaw na rin ang mukha. Kasamahan namin sila sa palapag. Ngumingiti pa sa akin kanina na animo’y concern dahil napagalitan ako ng boss namin.“Bakit kaya na-hire ‘yun? May backer? Ang lakas ng kapit niya ha? Kung dati-rati kapag ganun ang asta ng secretary ni Mr. Saviano, sisante agad. Isang pagkakamali lang, terminated na agad ang kontrata. Tanda mo? Ilang secretary na niya na first day pa lang ay na-fired na agad.” “Kaya nga. Sino naman kaya ang backer niya? Mukhang inosente at walang alam na gawin. Heto pa ah, wala raw iyang work experience kaya nagtataka rin si Rachel kung bakit siya na-hired on the spot.” “Talaga?” “Hindi lang ‘yun girl, noong nag-job interview siya believe m
Nanliliit at halos maiyak, iyon ang pakiramdam ko habang tahimik na nakaupo ako sa aking table. Hindi ko man marinig ang pinagsasabi ng mga kasamahan ko, alam kong pinag-uusapan nila ako dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Isang oras? Amara isang oras mo silang pinaghintay! Napapiksi ako. Kasalanan ko. Aminado ako, pero may magagawa ba iyong solusyon ngayon?Napasinghot na ako habang pilit inaaliw ang sarili na wala lang iyon. Huwag ko na lang ulit pansinin. Okay lang na magkamali. Ang lahat naman ay nagkakamali lalo na kapag bago pa lang. Paulit-ulit ko ‘yung sinasabi sa aking isipan pero hindi ko magawang dayain ang aking sarili lalo pa at napansin ko ang panaka-nakang tingin nila sa akin na halatang mayroong laman. Sobrang nagui-guilty na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko upang mabawi ang aking sarili dito.Bilhan ko pa ba sila ng kape? Paano kung tanggihan nila? Paano ko ‘yun uubusin? Marami sila.Hindi ako pinapapasok pa ni Mr. Saviano sa loob ng office niya. Naisip ko tu
Binuhay ko ang computer sa aking table. May access na ako sa ibang documents doon by folder na sabi ng babae ay madalas na kailangan ni Mr. Saviano. Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingong ginawa nang tumunog ang telephone na nakapatong sa aking table. Mabilis ko ‘yung sinagot. Natataranta pa nga na hindi man lang ako nakabati rito. “Miss Del Prado?” “Y-Yes, Sir…” nauutal ko pang sagot na parang biglang na-blangko na ang isipan at nawala sa isip kung ano ang giangawa. Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya kahapon sa pamamagitan pa lang ng kanyang boses. Masungit. Seryosong mata. “Come inside.” Pagkasabi niya noon ay ibinaba na ang intercom. Mabilis akong tumayo. Inayos ang aking sarili. Ipinaalala rin sa akin ng babae na para mabuksan ko ang pintuan ng office ni Mr. Saviano ay e-tap ko ang ID ko. Ako lang din daw na secretary niya sa ibang mga employee ang may access doon, syempre maliban sa mga matataas ang katungkulan sa kumpanya nila.“Good morning, Mr. Saviano—”“Pak
Tumango lang ito kung kaya naman tinalikuran ko na. Bumalik ako ng silid. Inuna kong maligo bago iutos iyon sa kanya. Nahiga ako sa kama at binalikan ko ang naging interview ko kanina. Doon pa lang ako natawa. Napatitig na sa kisame dahil to be honest, wala akong alam kung ano talaga ang magiging trabaho ko. Wala akong experience sa bagay na iyon.“Interesting ang CEO na ‘yun. Hindi kaya dahil sa apelyido ko kung bakit ako na-hired?”Nang madala na ng maid ang uniform at sabihin na nakahanda na ang hapunan ay lumabas ako. “O akala ko ba lumayas ka na? Bakit narito ka?” si Raquel na akala mo sinuntok ang labi sa pula noon, “Sabagay, ni kusing ay wala ka sa bank account mo. Paano ka nga mabubuhay noon? Kawawa ka lang at baka maging palaboy sa lansangan. Si Papa naman, mukhang matatagalan sa business trip niya kaya hindi ka niya magagawang tulungan ngayon, Mara.” Hindi ko siya pinansin. Kung ano ang kanyang sabihin ay pinalalgpas ko lang sa kabilang tainga na parang wala akong naririni