Share

Kabanata 5

Author: Chase Parker
last update Huling Na-update: 2025-07-30 13:15:14

Binuhay ko ang computer sa aking table. May access na ako sa ibang documents doon by folder na sabi ng babae ay madalas na kailangan ni Mr. Saviano. Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingong ginawa nang tumunog ang telephone na nakapatong sa aking table. Mabilis ko ‘yung sinagot. Natataranta pa nga na hindi man lang ako nakabati rito. 

“Miss Del Prado?” 

“Y-Yes, Sir…” nauutal ko pang sagot na parang biglang na-blangko na ang isipan at nawala sa isip kung ano ang giangawa. 

Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya kahapon sa pamamagitan pa lang ng kanyang boses. Masungit. Seryosong mata. 

“Come inside.” 

Pagkasabi niya noon ay ibinaba na ang intercom. Mabilis akong tumayo. Inayos ang aking sarili. Ipinaalala rin sa akin ng babae na para mabuksan ko ang pintuan ng office ni Mr. Saviano ay e-tap ko ang ID ko. Ako lang din daw na secretary niya sa ibang mga employee ang may access doon, syempre maliban sa mga matataas ang katungkulan sa kumpanya nila.

“Good morning, Mr. Saviano—”

“Pakikuha sa lalagyan ang favorite kong wine at lagyan mo ako sa baso.” sabi agad nito pagkalapit ko sa kanyang mesa, ni hindi niya ako tiningnan ngayon kagaya kahapon pagpasok ko sa loob. Tagalog ang sinabi niya pero na-blangko na ako. “What are you doing? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko?” ulit niyang kasabay ng taas ng tono ay ang angat na ng mukha.

“Okay, Mr. Saviano.” 

Shit! I don’t even know kung nasaan ang lalagyan niya ng wine. Hindi naman iyon tinuro sa akin ng babae. Lumakad ako patungo ng pintuan. Itatanong ko sa babae. Marahil naman ay nasa labas iyon o malapit sa pantry na pinuntahan namin. 

“Where are you going?!” parang kulog na binasag ang aking tainga na malakas na sigaw na niya.

Awtomatiko ang pagtigil ng aking mga paa sa paghakbang at napaharap na sa kanya. 

“Kukunin ko po ‘yung—” 

“Are you kidding me? You're going to leave my office when I'm ordering you to get my favorite wine?” umiigting na ang panga nito na para bang ang laki na ng kasalanang nagawa ko sa kanya, “Hindi ba unang itinuro ni Rachel iyon sa’yo?!”

Hindi ako nagsalita. Ayaw kong mangdamay kahit na hindi naman talaga itinuro iyon ng babae sa akin. It’s my firs day tapos mukhang palpak agad. Mukhang masisisante niya ako agad. Sa nakikita ko, hindi mahaba ang kanyang pasensya. 

Napapiksi na ako nang tumayo siya at umalis ng kanyang upuan. Malalaki ang hakbang na tinungo ang pintuan. Binuksan niya ang pintuan at saglit na lumabas. Naiwan ako doong nakatayo at parang itinulos ang mga paa sa sahig nito. Ilang sandali pa ay bumalik siya kasunod na ang babaeng nakausap ko kanina. Masama na agad ang tingin niya sa akin. Anong kasalanan ko sa kanya? Hindi naman niya talaga itinuro sa akin kung kaya wala talaga akong alam sa bagay na ito.

“Bakit hindi mo itinuro sa kanya?” sita nito sa babae kung kaya naman napayuko na ako ng ulo. 

“Ano ka ba naman Miss Del Prado, hindi ka nakikinig. Sinabi ko na iyon sa iyo kanina eh.” bakas sa boses nito ang pagkadismaya, lumapit pa siya sa akin at hinawakan ang isang braso ko upang igiya palapit sa isang sulok ng opisina. “Narito sa loob ng opisina ni Mr. Saviano ang mga favorite niyang wine. May label sila ng pangalan ng araw. Kung anong araw ngayon, iyon ang favorite niya. For example, Tuesday. Ito ang kukunin mo.” turo niya pa sa mga wine na nakahilera.

Medyo malayo na kami kay Mr. Saviano na bagama’t nakaupo na ay paniguradong nakikinig sa aming usapan. Binalikan ko ang naging usapan namin ng babae kanina at wala talaga akong maalala na may nabanggit siya tungkol sa wine nito.

“Pero wala ka namang sinabi—”

“Ano ba? Sasagot ka pa. Sakyan mo na lang ang sasabihin ko keysa pareho tayong bulyawan at buong araw pag-initan.” mahinang bulong nito na sapat lang sa aking pandinig, “Sorry na okay? Nakalimutan kong banggitin nga sa’yo kanina.” 

See? Tapos kung masisi ako ganun na lang. Sabagay, bago nga naman ako kaya siguro okay lang na magkamali muna ako.

“Pasensya na, baka sa kaba ko hindi ko na maalala na binanggit mo ang tungkol dito.” medyo malakas ko ng sagot. 

“Makinig ka kasi dahil lahat ng sinasabi ko ay importante sa trabaho mo.” 

Hindi naglaon ay pinaalis na rin ito ni Mr. Saviano. Nakuha ko na ang favorite wine niya at nasalin na rin sa baso niya. May hangganan ang baso na siya na lang ang nagturo sa akin na hanggang doon lang ang iinumin niya. Napaisip tuloy ako, okay lang ba sa kanya ang uminom habang nasa trabaho porket wine company sila? Hindi ba siya noon malalasing? Masisita nang mga shareholders? Sabagay kung kaunti lang naman, mukhang hiindi rin siya nito tatamaan nang malala.

“Wash this glass at ibalik mo kung saan mo ito kinuha.” abot niya sa akin ng baso na hindi ko na namalayan na ubos na.

Naka-survive ako sa unang araw ko sa trabaho. Bukod sa ilang meetings na nasa loob lang naman ng building ay wala ng ibang mahirap na ginawa. Tinuruan pa ako ni Rachel ng ibang kailangan kong gawin bago mag-start ang trabaho kada umaga. Pinakinggan kong mabuti iyon. Kusang nagtanong na rin ako kung may iba pang kailangan akong malaman. Ayoko ng maulit ang nangyari kanina na wala akong kaalam-alam. Pagdating ng bahay ay naka-survive din ako sa galit ni Raquel dahil wala pa siya doon noong makauwi ako. Hindi niya rin nalaman na ginamit ko ang kanyang sasakyan kanina. Pagpasok ko ng trabaho kinabukasan, akala ko kagaya rin ang vibes noon kahapon. Nagkamali ako. Pagdating ko pa lang sa floor ay pinagtitinginan na ako ng ibang naroroon. Napuno pa ako ng pagtataka kung bakit parang galit sila sa akin? 

“You are late, Miss Del Prado!” hiyaw agad ni Mr. Saviano na hindi ko napansin na nasa umpok ng mga employee.

Napasulyap na ako sa aking suot na relo. Hindi siya sira pero late naman iyon ng isang oras. Shit! Bakit hindi ko ito nakita? Hindi ko alam kung pinakialam ito ni Raquel o kusang tumigil at muling umandar after ng isang oras na pagtigil niya. 

“Pangalawang araw mo pa lang tapos late ka na agad? Anong explanation mo ngayon? Sira ang orasan mo?!” 

Humapdi na ang palibot ng aking mga mata. Pahiyang-pahiya na sa mga kasamahan. Kung kami lang sana ayos lang. 

“Hindi makapagsimula ang meeting ng dahil sa’yo. Do your job properly. Make the salary the company pays you worth it!” 

Kung makapagsalita naman ito akala mo pinasweldo na ako. Hello? Pangalawang araw ko pa lang. Hindi pa ito kasama sa cut off, magpo-pondo pa ako ng fifteen days bago makasahod. Oo na, kasalanan ko naman pero sobra ang pamamahiya.

“This is not a charity company that is always open to people who always make mistakes!”

Napayuko na ako ng ulo. 

“I apologize, Mr. Saviano. It won't happen again.” parang mahinang iyak ng pusang sagot ko sa kanya habang nakatungo.

Hindi kailangan na mangatwiran ako dahil alam kong mali. Isa pa, na-delay ang trabaho ng mga kasamahan ko dahil sa akin. Dapat lang na mamaya magbigay ako sa kanila kahit tig-iisang baso ng kape para maging compensation sa naging abala ko.

“It should be, Miss Del Prado!” galit pa rin at namamahiya ang tono nito, “Get back to work every one!”

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 9

    Mabigat ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya. Puno ng pananantiya. Siguro kailangan kong mag-explain ng sarili. Ngunit bago ko pa iyon magawa, inutusan na niya akong kunan siya ng favorite niyang wine. Maliksi na sinunod ko ‘yun. Umaasa na iyon lang ang kailangan niya sa akin kung kaya ako pinapasok sa loob ng kanyang office. Tumayo ako sa gilid ng table niya habang hinihintay maubos ang laman ng baso niyang hawak upang mailigpit ko iyon matapos niyang maubos. Kumapal na ang hangin sa paligid nang muli niya akong tiningnan. Napaiwas na ako ng tingin sa kanya. Kinakabahan na sa mga sasabihin niya. Ito na ba iyon? Mananabon na?“Miss Del Prado, won’t you explain yourself?” Nahigit ko ang hininga.Anong kailangan kong e-explain? Hindi ko nga alam kung paanong nangyari iyon? Ibinuka ko ang nangangatal na labi. Tatanggapin ko na lang. Hindi na ako mangangatwiran. “Hindi na po kailangan, Sir. Mali po ako. Nagkamali po ako.” Natahimik siya ng ilang segundo. Muli akong tiningnan ngunit

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 8

    Naikuyom ko ang aking dalawang kamao na nakatago sa aking likuran. Mariin na mariin na kulang na lang ay bumaon ang aking kuko sa aking mga palad. Kung hindi ko iyon gagawin ay tiyak na iiyak na talaga ako at hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko. Wala namang ibang nakakarinig. Nasa VIP room kami pero, pakiramdam ko yurak na yurak ni Mr. Saviano ang pagkatao ko. Tanggap ko naman ulit. Nagkamali na naman kasi ako na para bang may sumasabotahe sa akin upang danasin lang ito. Wala naman akong masamang intensyon. Dalisay ang hangarin ng puso ko. Gusto ko lang namang makabangon agad sa pagkakasadlak sa ginawa ni Andy. Nais ko lang makahinga sa bahay namin pero bakit ang hirap noong gawin? Bakit ang daming hadlang? Bakit parang ayaw maki-ayon sa akin ng Tadhana? Ayaw akong pagbigyan.“Mr. Saviano, k-kukunin ko na lang po—” “It's been a two-hour drive, do you think we can wait for you here for four hours?” galaiting tanong ni Mr. Saviano, sa tono na parang sinasabi nitong hindi ba ako nag

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 7

    Sabay silang nagtawanan. Buong akala ko pa naman ay kakampi ko si Rachel, pero bakit nakalabas iyon? Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng nangyari. Imposible namang si Mr. Saviano ang magkalat noon sa ibang empleyado. Malamang ay sinabi ni Rachel iyon sa kanila. Pamilyar sa akin ang boses nila, at naging malinaw na rin ang mukha. Kasamahan namin sila sa palapag. Ngumingiti pa sa akin kanina na animo’y concern dahil napagalitan ako ng boss namin.“Bakit kaya na-hire ‘yun? May backer? Ang lakas ng kapit niya ha? Kung dati-rati kapag ganun ang asta ng secretary ni Mr. Saviano, sisante agad. Isang pagkakamali lang, terminated na agad ang kontrata. Tanda mo? Ilang secretary na niya na first day pa lang ay na-fired na agad.” “Kaya nga. Sino naman kaya ang backer niya? Mukhang inosente at walang alam na gawin. Heto pa ah, wala raw iyang work experience kaya nagtataka rin si Rachel kung bakit siya na-hired on the spot.” “Talaga?” “Hindi lang ‘yun girl, noong nag-job interview siya believe m

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 6

    Nanliliit at halos maiyak, iyon ang pakiramdam ko habang tahimik na nakaupo ako sa aking table. Hindi ko man marinig ang pinagsasabi ng mga kasamahan ko, alam kong pinag-uusapan nila ako dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Isang oras? Amara isang oras mo silang pinaghintay! Napapiksi ako. Kasalanan ko. Aminado ako, pero may magagawa ba iyong solusyon ngayon?Napasinghot na ako habang pilit inaaliw ang sarili na wala lang iyon. Huwag ko na lang ulit pansinin. Okay lang na magkamali. Ang lahat naman ay nagkakamali lalo na kapag bago pa lang. Paulit-ulit ko ‘yung sinasabi sa aking isipan pero hindi ko magawang dayain ang aking sarili lalo pa at napansin ko ang panaka-nakang tingin nila sa akin na halatang mayroong laman. Sobrang nagui-guilty na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko upang mabawi ang aking sarili dito.Bilhan ko pa ba sila ng kape? Paano kung tanggihan nila? Paano ko ‘yun uubusin? Marami sila.Hindi ako pinapapasok pa ni Mr. Saviano sa loob ng office niya. Naisip ko tu

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 5

    Binuhay ko ang computer sa aking table. May access na ako sa ibang documents doon by folder na sabi ng babae ay madalas na kailangan ni Mr. Saviano. Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingong ginawa nang tumunog ang telephone na nakapatong sa aking table. Mabilis ko ‘yung sinagot. Natataranta pa nga na hindi man lang ako nakabati rito. “Miss Del Prado?” “Y-Yes, Sir…” nauutal ko pang sagot na parang biglang na-blangko na ang isipan at nawala sa isip kung ano ang giangawa. Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya kahapon sa pamamagitan pa lang ng kanyang boses. Masungit. Seryosong mata. “Come inside.” Pagkasabi niya noon ay ibinaba na ang intercom. Mabilis akong tumayo. Inayos ang aking sarili. Ipinaalala rin sa akin ng babae na para mabuksan ko ang pintuan ng office ni Mr. Saviano ay e-tap ko ang ID ko. Ako lang din daw na secretary niya sa ibang mga employee ang may access doon, syempre maliban sa mga matataas ang katungkulan sa kumpanya nila.“Good morning, Mr. Saviano—”“Pak

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 4

    Tumango lang ito kung kaya naman tinalikuran ko na. Bumalik ako ng silid. Inuna kong maligo bago iutos iyon sa kanya. Nahiga ako sa kama at binalikan ko ang naging interview ko kanina. Doon pa lang ako natawa. Napatitig na sa kisame dahil to be honest, wala akong alam kung ano talaga ang magiging trabaho ko. Wala akong experience sa bagay na iyon.“Interesting ang CEO na ‘yun. Hindi kaya dahil sa apelyido ko kung bakit ako na-hired?”Nang madala na ng maid ang uniform at sabihin na nakahanda na ang hapunan ay lumabas ako. “O akala ko ba lumayas ka na? Bakit narito ka?” si Raquel na akala mo sinuntok ang labi sa pula noon, “Sabagay, ni kusing ay wala ka sa bank account mo. Paano ka nga mabubuhay noon? Kawawa ka lang at baka maging palaboy sa lansangan. Si Papa naman, mukhang matatagalan sa business trip niya kaya hindi ka niya magagawang tulungan ngayon, Mara.” Hindi ko siya pinansin. Kung ano ang kanyang sabihin ay pinalalgpas ko lang sa kabilang tainga na parang wala akong naririni

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status