Kung gaano kalapat ang nagngangalit kong ngipin ay ganundin ang diin ng hila ng mga daliri ko sa buhok niya. Gigil na gigil. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob kong nararamdaman na naipon na sa loob ko. Lumuwag lang iyon nang pagsasampalin ako ni Tita. Marahas niya na akong itinulak palayo kay Raquel na siya namang umatake sa akin.
“Wala kang utang na loob! Matapos ka naming bigyan ng tahanan at pamilya, ito ang igaganti mo sa amin?!” agad nitong panunumbat na kung itrato ako ay animo sampid, “Sa inyong dalawa ng anak ko, mas deserve ni Raquel ang maging maligaya! Narinig mo, Amara? Mas deserve niya ang boyfriend mo. Bakit ayaw mong magpaubaya, ha?!” Mapakla na akong napangiti. Hindi makapaniwala na maririnig ko iyon mula sa bibig ni Tita. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ano raw, binigyan nila ako ng tahanan? E bahay ‘to ng Mama at Papa ko bago sila dumating, kaya paanong naging kanila ito? Binigyan nila ako ng pamilya? Ganito ba ang tamang trato sa kapamilyang sinasabi nila? Iinot-inot na akong tumayo. Dumadanak man ang luha sa aking mga mata, marahas ko ng pinalis at pinanlisikan sila ng mga mata na puno ng pagbabanta. Bahagyang napaatras si Tita, ganun din si Raquel na pilit inaayos ang gulong buhok. “Pamilya? Kailan ba kayo sa akin naging pamilya?” sumbat ko dahil puno na ako sa ganitong ugali nila, porket wala ang aking ama at nasa business trip ganito ang trato nila sa akin? Palagi ko na lang bang pagtitiisan ang ganito? “Ah, oo nga pala kapag kaharap si Papa ay kapamilya niyo nga pala ako. Kapag wala siya gaya ngayon, isa akong outsider ng pamilya!” Naningkit na ang mga mata ni Tita, senyales na may nasaling ako sa damdamin niya sa aking mga nasabi. “Aba’t sumasagot ka pa—” “At Tita, kailan pa naging mas deserve ng anak niyo ang maging maligaya kumpara sa akin? Bakit kailangan niyang mang-agaw? Si Andy? Deserve niya rin?” mula kay Tita ay nilingon ko ang stepsister ko na nakangisi na dahil sa aking inabot na pananakit sa kanyang ina, “Sige, sa’yong-sa’yo na ang demonyong lalaking iyon! I*****k mo siya sa baga mo. Lamunin mo siya, Raquel!” sigaw ko na kulang na lang ay mapatid ang mga ugat sa aking leeg habang nanlalaki ang mata. Pagkasabi ko noon ay pamartsa ko na silang tinalikuran. Bumalik ako ng silid at nag-locked ng pinto. Narinig ko ang halos magkasabay nilang sigaw habang tinatawag ako ng kung anu-ano na sanay naman na ako mula noon. Padapa na akong bumagsak ng kama at muli pang bumuhos ang aking mga luha. Awang-awa na naman ako sa aking sarili. Puno ng pait, galit at pagsisisi ang aking buong katawan kung bakit ako nagtiwala kay Andy. Kung bakit ako nahulog sa patibong. Marami akong tiniis maipon lang ang perang iyon. Marami akong gabing kulang sa tulog. Tapos mauuwi lang sa wala ang lahat? Mapupunta lang sa kanya ito? May mga bagay akong nais bilhin ngunit ipinagpaliban ko iyon dahil gusto ko ng lumaya sa tahanang ito na impyerno. Gusto ko ng umalis at ang tanging nakikita ko lang na paraan ay ang maikasal dito. “May karma ka rin Andy, may karma ka rin!” sigaw ko na habang kagat ang unan upang doon ibuhos ang lahat ng sakit. Dala ng frustration ay naligo ako at nagbihis. Kinuha ang resume na inayos ko sa drawer. Last week ay nagpasa ako ng application online. Hiring sila ng secretary. Plano ko sanang gawin iyong partime, upang maidagdag sa mabilis na pag-iipon ang magiging sweldo. Wala man akong experience doon, sa ganung paraan alam kong mabilis akong makakaipon. Ngunit lumihis na ngayon ang aking plano. Kapag sumahod na ako, lilipat ako ng tirahan. Hindi ko kailangan magtiis dito. Sasabihin ko na lang kay Papa na gusto kong maging independent kapag nalaman niyang nagtra-trabaho ako sa company. Isa rin siya sa dahilan kung bakit ayokong tanggapin ang ibang offer sa akin, magagalit siya kapag nalaman ito dahil palagi niya sa aking ipinapaalala na hindi ko kailangang magbanat ng buto upang makuha lang ang lahat ng gusto ko. Kaso, mas maraming araw ang wala siya dito keysa sa narito. At mas lumalaki lang ang sama ng loob ko. Wala rin siyang kamalay-malay kung ano ang mga nangyayari dahil hindi ko naman ugali ang magsumbong. Kailangan ko ng trabaho bago ko i-hunting ang tarantado kong ex-boyfriend upang singilin sa nakuha niyang halaga. Ngayon ko lang din naalala na ngayon ang interview nila. Isa ako sa mga natawagan. Wala akong plano na puntahan pero ngayon, desidido na akong makuha ang trabahong iyon. Pinapagdala nila ako ng extrang resume kaya gumawa ako nito. “Saan ka pupunta? Lalayas ka?” harang ni Tita nang lumabas ako at makita na bihis na bihis, “Sige, Amara, lumayas ka na! Huwag na huwag ka nang magpapakita sa amin! Huwag na huwag ka ng babalik. Sasabihin ko sa Papa na lumayas ka!” Kasabay ng malakas na pagsara ng pintuan na ginawa ni Tita ay bumuhos ang malakas na buhos ng ulan. Agad kong hinalungkat ang loob ng aking bag na dala upang kunin ang susi ng sasakyan, ngunit hindi ko iyon makita. Doon ko napagtanto na mukhang hindi ko nakuha sa lalagyan. Sa akin ang kotse na iyon ngunit madalas na hiramin ni Raquel kahit na mayroon siyang sariling sasakyan. Lahat ng mayroon ako ay mayroon din siya upang hindi kami magkainggitan na katwiran ni Papa. Ngunit ang hindi niya alam kulang na lang ay kunin ng stepsister ko sa akin ang lahat kahit meron siya. Mas gusto niyang gamitin ang gamit ko kumpara sa pag-aari niya. Hindi na ako magtataka kung bakit pati si Andy. “This is ridiculous, sa dami ng makakalimutan ko bakit ‘yung susi pa?” Sinubukan kong tumakbo palabas ng gate. Basang-basa na ako ng ulan. There’s no point kung babalik ako sa loob. Sa gitna ng rumaragasang ulan, biglang tumunog ang cellphone ko na agad ko namang sinagot. HR iyon ng Saviano Verde Winery. Tinatanong kung makakapunta ako para sa initial interview sa kanilang kumpanya para sa bagong secretary nila. “Yes, I’m coming.” sagot ko sa kabila ng basang-basa na sa ulan na katawan at nanginginig na rin. Pagpasok pa lang sa entrance ng building, dama ko na ang maiinit na mga tingin mula sa guards at front desk. Sino ba naman kasing hindi pupunahin kung ganito ang aking hitsura? Para akong basang sisiw. Tumutulo pa ang dulo ng buhok ko. Nanginginig ang aking buong katawan. Naputol pa ang heels ng suot ko kung kaya naman para akong pilay maglakad. “Excuse me, Miss—” subok na harang sa akin ng guard na medyo alanganin na ang tingin. “I have an initial interview today.” gamit ang nangangapal na labi ay nagawa ko pa iyong bigkasin. Hinagod niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Luminga-linga na sa paligid. “Miss Amaranth Del Prado?” anang isang staff na kakalabas lang ng elevator, may dala itong papel na marahil ay listahan. Malamang nagsisimula na sila sa interview at ako na ang next. Noong hindi ako makita ay bumaba ito upang hanapin. Kilala ang kanilang kumpanya na may puso pagdating sa mga employee at sa mga bagong recruit mula sa umpisa pa lang. Nangunguna sila sa paggawa ng wine na ini-export sa iba’t-ibang panig ng mundo. Walang makakatalo sa pangunguna. Nabasa ko lang iyon sa comment section ng mga nag-a-apply sa website kung kaya may kaunti akong idea sa treatment. “It’s me!” kumpiyansang taas ko ng isang kamay upang kunin lang ang kanyang atensyon at para makita niya rin ako.Mabigat ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya. Puno ng pananantiya. Siguro kailangan kong mag-explain ng sarili. Ngunit bago ko pa iyon magawa, inutusan na niya akong kunan siya ng favorite niyang wine. Maliksi na sinunod ko ‘yun. Umaasa na iyon lang ang kailangan niya sa akin kung kaya ako pinapasok sa loob ng kanyang office. Tumayo ako sa gilid ng table niya habang hinihintay maubos ang laman ng baso niyang hawak upang mailigpit ko iyon matapos niyang maubos. Kumapal na ang hangin sa paligid nang muli niya akong tiningnan. Napaiwas na ako ng tingin sa kanya. Kinakabahan na sa mga sasabihin niya. Ito na ba iyon? Mananabon na?“Miss Del Prado, won’t you explain yourself?” Nahigit ko ang hininga.Anong kailangan kong e-explain? Hindi ko nga alam kung paanong nangyari iyon? Ibinuka ko ang nangangatal na labi. Tatanggapin ko na lang. Hindi na ako mangangatwiran. “Hindi na po kailangan, Sir. Mali po ako. Nagkamali po ako.” Natahimik siya ng ilang segundo. Muli akong tiningnan ngunit
Naikuyom ko ang aking dalawang kamao na nakatago sa aking likuran. Mariin na mariin na kulang na lang ay bumaon ang aking kuko sa aking mga palad. Kung hindi ko iyon gagawin ay tiyak na iiyak na talaga ako at hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko. Wala namang ibang nakakarinig. Nasa VIP room kami pero, pakiramdam ko yurak na yurak ni Mr. Saviano ang pagkatao ko. Tanggap ko naman ulit. Nagkamali na naman kasi ako na para bang may sumasabotahe sa akin upang danasin lang ito. Wala naman akong masamang intensyon. Dalisay ang hangarin ng puso ko. Gusto ko lang namang makabangon agad sa pagkakasadlak sa ginawa ni Andy. Nais ko lang makahinga sa bahay namin pero bakit ang hirap noong gawin? Bakit ang daming hadlang? Bakit parang ayaw maki-ayon sa akin ng Tadhana? Ayaw akong pagbigyan.“Mr. Saviano, k-kukunin ko na lang po—” “It's been a two-hour drive, do you think we can wait for you here for four hours?” galaiting tanong ni Mr. Saviano, sa tono na parang sinasabi nitong hindi ba ako nag
Sabay silang nagtawanan. Buong akala ko pa naman ay kakampi ko si Rachel, pero bakit nakalabas iyon? Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng nangyari. Imposible namang si Mr. Saviano ang magkalat noon sa ibang empleyado. Malamang ay sinabi ni Rachel iyon sa kanila. Pamilyar sa akin ang boses nila, at naging malinaw na rin ang mukha. Kasamahan namin sila sa palapag. Ngumingiti pa sa akin kanina na animo’y concern dahil napagalitan ako ng boss namin.“Bakit kaya na-hire ‘yun? May backer? Ang lakas ng kapit niya ha? Kung dati-rati kapag ganun ang asta ng secretary ni Mr. Saviano, sisante agad. Isang pagkakamali lang, terminated na agad ang kontrata. Tanda mo? Ilang secretary na niya na first day pa lang ay na-fired na agad.” “Kaya nga. Sino naman kaya ang backer niya? Mukhang inosente at walang alam na gawin. Heto pa ah, wala raw iyang work experience kaya nagtataka rin si Rachel kung bakit siya na-hired on the spot.” “Talaga?” “Hindi lang ‘yun girl, noong nag-job interview siya believe m
Nanliliit at halos maiyak, iyon ang pakiramdam ko habang tahimik na nakaupo ako sa aking table. Hindi ko man marinig ang pinagsasabi ng mga kasamahan ko, alam kong pinag-uusapan nila ako dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Isang oras? Amara isang oras mo silang pinaghintay! Napapiksi ako. Kasalanan ko. Aminado ako, pero may magagawa ba iyong solusyon ngayon?Napasinghot na ako habang pilit inaaliw ang sarili na wala lang iyon. Huwag ko na lang ulit pansinin. Okay lang na magkamali. Ang lahat naman ay nagkakamali lalo na kapag bago pa lang. Paulit-ulit ko ‘yung sinasabi sa aking isipan pero hindi ko magawang dayain ang aking sarili lalo pa at napansin ko ang panaka-nakang tingin nila sa akin na halatang mayroong laman. Sobrang nagui-guilty na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko upang mabawi ang aking sarili dito.Bilhan ko pa ba sila ng kape? Paano kung tanggihan nila? Paano ko ‘yun uubusin? Marami sila.Hindi ako pinapapasok pa ni Mr. Saviano sa loob ng office niya. Naisip ko tu
Binuhay ko ang computer sa aking table. May access na ako sa ibang documents doon by folder na sabi ng babae ay madalas na kailangan ni Mr. Saviano. Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingong ginawa nang tumunog ang telephone na nakapatong sa aking table. Mabilis ko ‘yung sinagot. Natataranta pa nga na hindi man lang ako nakabati rito. “Miss Del Prado?” “Y-Yes, Sir…” nauutal ko pang sagot na parang biglang na-blangko na ang isipan at nawala sa isip kung ano ang giangawa. Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya kahapon sa pamamagitan pa lang ng kanyang boses. Masungit. Seryosong mata. “Come inside.” Pagkasabi niya noon ay ibinaba na ang intercom. Mabilis akong tumayo. Inayos ang aking sarili. Ipinaalala rin sa akin ng babae na para mabuksan ko ang pintuan ng office ni Mr. Saviano ay e-tap ko ang ID ko. Ako lang din daw na secretary niya sa ibang mga employee ang may access doon, syempre maliban sa mga matataas ang katungkulan sa kumpanya nila.“Good morning, Mr. Saviano—”“Pak
Tumango lang ito kung kaya naman tinalikuran ko na. Bumalik ako ng silid. Inuna kong maligo bago iutos iyon sa kanya. Nahiga ako sa kama at binalikan ko ang naging interview ko kanina. Doon pa lang ako natawa. Napatitig na sa kisame dahil to be honest, wala akong alam kung ano talaga ang magiging trabaho ko. Wala akong experience sa bagay na iyon.“Interesting ang CEO na ‘yun. Hindi kaya dahil sa apelyido ko kung bakit ako na-hired?”Nang madala na ng maid ang uniform at sabihin na nakahanda na ang hapunan ay lumabas ako. “O akala ko ba lumayas ka na? Bakit narito ka?” si Raquel na akala mo sinuntok ang labi sa pula noon, “Sabagay, ni kusing ay wala ka sa bank account mo. Paano ka nga mabubuhay noon? Kawawa ka lang at baka maging palaboy sa lansangan. Si Papa naman, mukhang matatagalan sa business trip niya kaya hindi ka niya magagawang tulungan ngayon, Mara.” Hindi ko siya pinansin. Kung ano ang kanyang sabihin ay pinalalgpas ko lang sa kabilang tainga na parang wala akong naririni