Share

Kabanata 4

Penulis: Chase Parker
last update Terakhir Diperbarui: 2025-07-30 13:13:07

Tumango lang ito kung kaya naman tinalikuran ko na. Bumalik ako ng silid. Inuna kong maligo bago iutos iyon sa kanya. Nahiga ako sa kama at binalikan ko ang naging interview ko kanina. Doon pa lang ako natawa. Napatitig na sa kisame dahil to be honest, wala akong alam kung ano talaga ang magiging trabaho ko. Wala akong experience sa bagay na iyon.

“Interesting ang CEO na ‘yun. Hindi kaya dahil sa apelyido ko kung bakit ako na-hired?”

Nang madala na ng maid ang uniform at sabihin na nakahanda na ang hapunan ay lumabas ako. 

“O akala ko ba lumayas ka na? Bakit narito ka?” si Raquel na akala mo sinuntok ang labi sa pula noon, “Sabagay, ni kusing ay wala ka sa bank account mo. Paano ka nga mabubuhay noon? Kawawa ka lang at baka maging palaboy sa lansangan. Si Papa naman, mukhang matatagalan sa business trip niya kaya hindi ka niya magagawang tulungan ngayon, Mara.” 

Hindi ko siya pinansin. Kung ano ang kanyang sabihin ay pinalalgpas ko lang sa kabilang tainga na parang wala akong naririnig. Dagdagan pa iyon ni Tita. Mag-ina nga sila. Magpapanggap na lang ako na hindi sila kasama at kapag nakasahod na ako ay itutuloy ko ang plano kong bumukod. Kung matatagalan si Papa bago bumalik, tiyak na mas magiging miserable ang buhay ko kung pipiliin kong manatili sa bahay na ito. Kung makikitira naman ako sa kaibigan ko, ako ang mawawalan. Tiyak gagawa ng ibang kwento ang mag-ina na ikakapahamak ko kaya mabuting dito na muna ako. 

“Manang, nakita niyo po ba ang susi ng kotse ko?”

Ilang minuto na akong nasa lalagyan at hinahanap iyon. May kutob ako pero ayaw kong paniwalaan iyon. Kailangan ko ito lalo pa at unang araw ko ngayon sa tarbaho. Hindi ako pwedeng ma-late. Hindi rin ako pwedeng hindi maging presentable kagaya kahapon. Baka mahipan ng masamang hangin ang amo ko at hindi na palagpasin ang pagiging iresponsable ko. 

“Dala ng kapatid mo, Miss Mara. Maaga siyang umalis kanina.” 

Napakurap na sa labis na iritasyon ang aking mga mata. Bakit ba ang hilig niyang gamitin ang mga gamit ko? Lumipad na ang aking paningin sa susi ng kanyang sasakyan na minsan na lang niya yata kung gamitin dahil palaging akin ang dala niya. Pareho lang naman sila ng brand at sa kulay lang nagkakaiba. Gaya pa rin siya ng mga bata kami, sa shoes, sa clothes at maging sa school bags ko. Siya halos ang nakakaluma ng mga gamit ko. Hindi rin siya maingat. Ilang beses na niyang binangga ang kotse ko na minsan iniisip kong sinadya niya upang masira at mawalan ako. Pagdating naman sa mga gamit niya, ang damot niya. Ni ayaw niyang hawakan ako ang mga pag-aari niya. Ganun siya kadamot. Para wala kaming gulo at hindi mag-away, laging ako na lang ang nagpapasensya. Hindi exempted ang araw na ito. Kailangan ko ng sasakyan papasok ng trabaho. Sorry na lang siya gagamitin ko ngayon ang kotse niya. Wala akong paki kung magalit siya.

“Miss Mara, magagalit si Miss Raquel.” 

Sinubukan akong pigilan ng maid, ngunit hindi ko siya pinansin. 

“Pakisabi sa kanya pagdating na kung ayaw niyang gamitin ko ang kotse niya lubayan niya ang kotse ko.” 

Ilang beses pa akong hinarangan ng maid ngunit nilampasan ko lang siya. Siya kasi ang unang aawayin ni Raquel pag-uwi nito at hindi niya makita ang kanyang sasakyan. Maliban na lang kung mauna akong umuwi sa kanya mamaya.

“Miss Mara!” 

Inilabas ko lang sa bintana ng kotse ang aking isang kamay upang kumaway sa kanya. Mabuti na lang din at wala doon si Tita na paniguradong mahihirapan akong itakas ang kotse ng pinakamamahal niyang anak. Sumigla pa ang ngiti ko papasok ng trabaho. Masarap din pala sa pakiramdam na maging pasaway. Dapat noon ko pa ito ginawa eh; ang lumaban.

“Good morning!” masiglang bati ko sa guard na puno na ng kumpiyansang muli. 

Hindi na kasi ako basa at nakakaawa kagaya kahapon. Sinundan lang ng mata ng guard ang bulto ko at tumango. Agad kong nakita ang babae kahapon na hindi ko nagawang tanungin kung ano ang kanyang pangalan. Nasa may receptionist. Mukhang masinsinan ang kanilang pinag-uusapan ngunit nang makita ang pagdating ko ay agad silang natigil sa topic.

“You are just on time. Sumunod ka sa akin.” anitong ibinigay na ang ID na gagamitin ko sa entrance para may access ako.

Tahimik akong sumunod sa kanya. Hindi nagtanong. Panaka-naka ang tingin ko sa paligid. Nag-oobserba. Kanina ko pa napapansin ang kakaibang tingin ng ibang employee sa akin lalo na nang makarating kami sa tamang palapag ng office. 

“Nalaman ko na wala kang experience sa pagiging secretary kaya paniguradong mahihirapan ka. To be honest, hindi madali ang maging secretary kaya pangungunahan na kita.” anang babae sa unahan ko, iyong kaba ko na akala ko ay wala na biglang bumalik. “Well, since na-hired ka naman at ikaw ang pinili sa ibang mga aplikante, mukhang may nakita si Mr. Saviano sa’yo na wala sa iba. Ingat ka na lang, wa-warningan na kita ngayon pa lang. Mahirap maging amo ‘yun si Sir.”

Akala ko buo na ang confidence ko, ngunit ngayon na narinig ko ‘yun mukhang nadurog na naman ito. 

“Basta tandaan mo lang ang ituturo ko. Sundin mo rin ang lahat ng sasabihin ni Sir. Siguro naman hindi ka na bago kung ano ang role ng isang secretary. Madalas siyang mag-travel. Business travel at asahan mong kasama niya ang secretary.” 

“Sa ibang bansa?” 

“Yes, at madalas din na bumisita siya sa mga wineries kung saan ginagawa ang mga products. Marami silang branch.”

Panay tango lang ang ginawa ko, medyo na-excited ako na kinabahan pa rin. Ito ang first time kong magtrabaho, hindi naman kasi yata matatawag na trabaho ang modelling na ginagawa ko. May hawak an akong notebook, lahat ng sinasabi ng babae na alam kong mahalaga ay sinusulat ko nang sa ganun ay hindi ko malimutan. Mahirap ng masigawan ako nito. Matapos na pumirma ng contract na binasa kong mabuti ay dinala na ako nito kung nasaan ang opisina ni Mr. Saviano. Aniya ay mamaya na lang daw niya ako e-tour kung saan ang iba pang lugar na madalas ay dapat na malaman ko rin. 

“Kung gusto ka niyang pumasok sa loob, tatawag siya sa intercom. Huwag kang basta-basta na lang papasok sa loob ha?” 

Muli pa akong tumango. Naupo na ako sa swivel chair. May harang na yari sa salamin ang wall kung nasaan ang ibang mga employee na ginagawa ang kanilang trabaho. Hindi ako mapakali nang makita kong panay ang tingin nila sa akin. Tanaw kasi nila ako kagaya ng pagkakatanaw ko sa kanila. Sa kutob ko mukhang pinag-uusapan nila yata ako.

“Malamang bago ka, Amara. Bagong mukha kaya malamang ay nagtataka sila.” kumbinsi ko sa sarili in positive way. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 5

    Binuhay ko ang computer sa aking table. May access na ako sa ibang documents doon by folder na sabi ng babae ay madalas na kailangan ni Mr. Saviano. Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingong ginawa nang tumunog ang telephone na nakapatong sa aking table. Mabilis ko ‘yung sinagot. Natataranta pa nga na hindi man lang ako nakabati rito. “Miss Del Prado?” “Y-Yes, Sir…” nauutal ko pang sagot na parang biglang na-blangko na ang isipan at nawala sa isip kung ano ang giangawa. Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya kahapon sa pamamagitan pa lang ng kanyang boses. Masungit. Seryosong mata. “Come inside.” Pagkasabi niya noon ay ibinaba na ang intercom. Mabilis akong tumayo. Inayos ang aking sarili. Ipinaalala rin sa akin ng babae na para mabuksan ko ang pintuan ng office ni Mr. Saviano ay e-tap ko ang ID ko. Ako lang din daw na secretary niya sa ibang mga employee ang may access doon, syempre maliban sa mga matataas ang katungkulan sa kumpanya nila.“Good morning, Mr. Saviano—”“Pak

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 4

    Tumango lang ito kung kaya naman tinalikuran ko na. Bumalik ako ng silid. Inuna kong maligo bago iutos iyon sa kanya. Nahiga ako sa kama at binalikan ko ang naging interview ko kanina. Doon pa lang ako natawa. Napatitig na sa kisame dahil to be honest, wala akong alam kung ano talaga ang magiging trabaho ko. Wala akong experience sa bagay na iyon.“Interesting ang CEO na ‘yun. Hindi kaya dahil sa apelyido ko kung bakit ako na-hired?”Nang madala na ng maid ang uniform at sabihin na nakahanda na ang hapunan ay lumabas ako. “O akala ko ba lumayas ka na? Bakit narito ka?” si Raquel na akala mo sinuntok ang labi sa pula noon, “Sabagay, ni kusing ay wala ka sa bank account mo. Paano ka nga mabubuhay noon? Kawawa ka lang at baka maging palaboy sa lansangan. Si Papa naman, mukhang matatagalan sa business trip niya kaya hindi ka niya magagawang tulungan ngayon, Mara.” Hindi ko siya pinansin. Kung ano ang kanyang sabihin ay pinalalgpas ko lang sa kabilang tainga na parang wala akong naririni

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 3

    Ilang segundong napaawang ang kanyang bibig na hinagod na rin ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Malamang kung nagulat ang ibang employee na nagawa pang mahinang magbulungan, hindi siya exempted doon dahil sa aking hitsura. Hindi ako nag-explain. Alam naman niyang umuulan. Isa pa, bakit ako magpapaliwanag? Hindi naman siya ang pinunta ko kung hindi ang trabaho. Kung hindi ako magiging matapang, paano ako lalaban sa mundong sobra kung mang-api?“Alright, Miss, follow me.” Taas ang noong sinundan ko siya kahit pa nakaani na ang presensya ko ng atensyon ng karamihang employee. Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila sa aking hitsura. Ang tanging goal ko ng mga sandaling ito ay ang interview ko.“Please go inside, Mr. Saviano is waiting for you.” motion ng babae gamit ang seryoso pa rin niyang mukha. Inayos ko ang aking tindig kahit pa alam ko sa aking sarili na hindi naman ako presentable. Sinong niloloko ko? Basang-basa ako ng ulan. Putol pa ang heels ng black shoes. Mukhang di

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 2

    Kung gaano kalapat ang nagngangalit kong ngipin ay ganundin ang diin ng hila ng mga daliri ko sa buhok niya. Gigil na gigil. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob kong nararamdaman na naipon na sa loob ko. Lumuwag lang iyon nang pagsasampalin ako ni Tita. Marahas niya na akong itinulak palayo kay Raquel na siya namang umatake sa akin. “Wala kang utang na loob! Matapos ka naming bigyan ng tahanan at pamilya, ito ang igaganti mo sa amin?!” agad nitong panunumbat na kung itrato ako ay animo sampid, “Sa inyong dalawa ng anak ko, mas deserve ni Raquel ang maging maligaya! Narinig mo, Amara? Mas deserve niya ang boyfriend mo. Bakit ayaw mong magpaubaya, ha?!”Mapakla na akong napangiti. Hindi makapaniwala na maririnig ko iyon mula sa bibig ni Tita. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ano raw, binigyan nila ako ng tahanan? E bahay ‘to ng Mama at Papa ko bago sila dumating, kaya paanong naging kanila ito? Binigyan nila ako ng pamilya? Ganito ba ang tamang trato sa kapamilyang sinasabi nila?

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 1

    AMARANTH POVIlang sandali akong napatulala sa screen ng hawak kong cellphone nang mabasa ang dumating na notification. Mula iyon sa banko kung saan naka-savings ang lahat ng kinita ko mula sa pagiging lihim na modelo. Paano ko ‘yun natawag na lihim? Ako lang ang nakakaalam, tutal katawan ko lang naman ang kailangan nila. Model ako ng mga nighties and lingerie. Madalas na inilalagay iyon sa mga magazines. Pinili ko ito dahil mas safe siya at para sa akin ay madali. Medyo malaki rin ang bayad, depende na lang kung ilang oras kong gagawin iyon. Ginawa ko siyang partime dahil madalas din lang naman akong nasa bahay dahil may mga sidelines pa akong trabaho online.Sa totoo lang ay maraming nag-o-offer sa akin na mas malaki ang kita, gaya na lang na pwede ako umanong lumabas sa TV na kailangan lang ng ilang audition. May mas daring din na pagmo-modelo ngunit patuloy na tinanggihan ko iyon dahil sa simple lang naman ang pangarap ko mula ng lumagpas ako sa edad na twenty; ang makaipon ng pam

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status