Share

Kabanata 7

Author: Chase Parker
last update Last Updated: 2025-08-12 10:26:43

Sabay silang nagtawanan. Buong akala ko pa naman ay kakampi ko si Rachel, pero bakit nakalabas iyon? Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng nangyari. Imposible namang si Mr. Saviano ang magkalat noon sa ibang empleyado. Malamang ay sinabi ni Rachel iyon sa kanila. Pamilyar sa akin ang boses nila, at naging malinaw na rin ang mukha. Kasamahan namin sila sa palapag. Ngumingiti pa sa akin kanina na animo’y concern dahil napagalitan ako ng boss namin.

“Bakit kaya na-hire ‘yun? May backer? Ang lakas ng kapit niya ha? Kung dati-rati kapag ganun ang asta ng secretary ni Mr. Saviano, sisante agad. Isang pagkakamali lang, terminated na agad ang kontrata. Tanda mo? Ilang secretary na niya na first day pa lang ay na-fired na agad.” 

“Kaya nga. Sino naman kaya ang backer niya? Mukhang inosente at walang alam na gawin. Heto pa ah, wala raw iyang work experience kaya nagtataka rin si Rachel kung bakit siya na-hired on the spot.” 

“Talaga?” 

“Hindi lang ‘yun girl, noong nag-job interview siya believe me or not. Basang-basa si gaga ng ulan at putol pa ang heels ng shoes. Kaya nakakapagtaka talaga na na-hired siya, eh kilala naman natin si Mr. Saviano na perfectionist. Kaunting gusot lang sa kanyang damit nagwawala na agad. Tapos haharapan siya sa interview ng ganung hitsura? Hindi ko ma-imagine. Nakakaloka talaga.”

“Oo nga, hindi kaya may ibang pakay si Mr. Saviano? Hindi ko sinasabi sa hitsura niya ah? Mukhang chaka kaya niya. Maputi lang. Mukhang anak ng mayaman—” 

“Anong anak ng mayaman? Hindi iyan mag-apply ng secretary kung anak ng mayaman. Baka alaga lang ang balat niya sa gluta? Alam mo naman ang panahon ngayon, lahat ay posible na.” 

Muli pa silang nagtawanan. 

“Sabagay, tama ka. Looks are really deceiving talaga.” 

Nakagat ko na lang ang aking pang-ibabang labi upang supilin ang rumaragasang emosyon. Sabi ko na eh, pinag-uusapan nila ako na hindi lang habang nagtra-trabaho. Nakarating din dito habang gumagamit sila ng banyo. Naikuyom ko na ang aking mga kamao. Sino ba sila para kung anu-anong ihusga sa akin? Pinapalamon ba nila ako? Di naman. Hindi rin nila ako kilala pa.

“So ano? Hula ko ay wala pang one week susuko na iyan.” 

“Girl, ang tagal naman noon. Less than a week. Let’s say three to four days.” 

“Okay, deal!”

Tumunog ang pintuan kung kaya naman alam kong nasa labas na sila. Lumabas na ako lalo at tumunog na ang cellphone ko na nakapangalan kay Mr. Saviano. Dali-dali ko na iyong sinagot. 

“Nandiyan na po, Sir.” sagot kong hindi man lang nag-hello dahil malamang ay hanap na ako. 

Sinipat ko lang ang aking sarili sa harap na salamin. Namumula pa ang mga mata ko pero okay pa naman ang suot kong make up. Nasa table ko na naman siya pagbalik ko doon. Napayuko na ako nang makita ang mariin niyang titig sa aking mukha. Dinampot ko na ang mga kailangan namin. Hindi na siya nagtanong kahit pa nahagip ko sa gilid ng aking mga mata ang pagkibot ng labi niya na para bang mayroon siyang nais na sabihin sa akin. Pinagbuksan ko siya ng pintuan ng sasakyan sa likod at hindi ko na hinintay pang gawin iyon ng kanyang driver. Umikot na ako sa front seat. Kabilin-bilinan ni Rachel na sa front seat ako, sa tabi ng driver dahil ayaw ni Mr. Saviano ng katabi sa likod. Sa tingin ko, hindi ko rin naman kakayanin ang makatabi siya doon.

“Let’s go.” tingin ko sa driver na nakatingin lang sa akin. 

Malamang nagulat na naman siya dahil bago ako? Ito rin ang unang lalabas kami ni Mr. Saviano. Kailangan ko pa bang i-introduce ang aking sarili? Hindi ko rin alam. Nanatili siyang nakatingin.

“Saan?” mahinang tanong ng driver na may sini-senyas sa akin ang mga mata. 

Bata pa ito, sa tingin ko ay mid-twenties. 

“Marriot Hotel, Roldan.” si Mr. Saviano nang hindi pa rin ako magsalita. 

Shocks! 

Lutang na naman ako.

“Miss Del Prado, the first thing you should do after you get in is tell the driver where we're going.” tila mauutas na naman ang boses nitong malamig kahit na katamtaman lang ang lakas noon, hindi ko tuloy mapigilan na gapangan ng takot sa likod. “Hindi iyong hihintayin mo pang magtanong siya kung saan. Write that in your notes. Ayaw kong uulitin na naman ito sa’yo.” 

“N-Noted po, Sir…” nagkukumahog kong kinuha sa bag ang notes ko at sinulat na iyon. 

Hindi nakaligtas sa akin ang saglit na pagsulyap ng driver. Hindi ko siya nilingon pabalik. Ibinaling ko na ang mga mata sa labas ng bintana. Sa mga instrukturang aming dinadaanan. 

Mag-resign na kaya ako? Hayaan ko na lang may manalo doon sa nagpupustahan sa itatagal ko? Ano namang gagawin ko sa bahay? Bumalik na lang ako sa pagmo-modelo? Hindi naman ako tatanggihan ng Manager ko doon eh. Doon, alaga ako. Wala ‘ring sumisigaw sa aking ibang tao.

“Hindi ba at sinabi ko sa’yong ihanda mo ang mga kailangan nating dalhin kanina? Nasaan ang mga importanteng documents na sinabi ko? Nakikinig ka ba sa mga sinasabi ko sa’yo? Ha?!” 

Nasa Marriot Hotel na kami, nakaupo na sa table at hinihintay na lang ang ka-meet ni Mr. Saviano. Contract signing iyon pero paano pa iyon mangyayari kung hindi ang contract ang dala?

Napayuko na ako. Hindi ko na alam kung ano ang sasabihin kay Mr. Saviano na nagbabaga na naman ang tingin sa akin. Sa pagkakatanda ko, iginayak ko na iyon nang maayos. Inulit-ulit ko pa nga dahil ayaw kong magkamali, pero heto mali pa rin ang documents na nadala namin dito. 

“Hindi mo ginagawa ang trabaho mo! Pangalawang araw mo pa lang, Miss Del Prado!” 

Gusto kong mangatwiran pero alam kong wala ako sa posisyon. Ayoko na rin mag-sorry. Tama ito, pangalawang araw ko pa lang at ang dami ko na agad kasalanan. E-fired niya na kaya ako? Mas okay pa iyon. At least mas maraming tsismis kapag nawala na ako bilang secretary niya.

“Ano? Wala kang sasabihin? You are wasting my time!” 

Hindi pa rin ako sumagot. 

“Alam mo ba kung gaano ka-busy na tao ng makaka-meet natin? Anong gagawin mo ngayon? Tatahimik ka na lang diyan? This is bullshit, Miss Del Prado! You are not doing your job again!” 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 9

    Mabigat ang bawat hakbang ko papalapit sa kanya. Puno ng pananantiya. Siguro kailangan kong mag-explain ng sarili. Ngunit bago ko pa iyon magawa, inutusan na niya akong kunan siya ng favorite niyang wine. Maliksi na sinunod ko ‘yun. Umaasa na iyon lang ang kailangan niya sa akin kung kaya ako pinapasok sa loob ng kanyang office. Tumayo ako sa gilid ng table niya habang hinihintay maubos ang laman ng baso niyang hawak upang mailigpit ko iyon matapos niyang maubos. Kumapal na ang hangin sa paligid nang muli niya akong tiningnan. Napaiwas na ako ng tingin sa kanya. Kinakabahan na sa mga sasabihin niya. Ito na ba iyon? Mananabon na?“Miss Del Prado, won’t you explain yourself?” Nahigit ko ang hininga.Anong kailangan kong e-explain? Hindi ko nga alam kung paanong nangyari iyon? Ibinuka ko ang nangangatal na labi. Tatanggapin ko na lang. Hindi na ako mangangatwiran. “Hindi na po kailangan, Sir. Mali po ako. Nagkamali po ako.” Natahimik siya ng ilang segundo. Muli akong tiningnan ngunit

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 8

    Naikuyom ko ang aking dalawang kamao na nakatago sa aking likuran. Mariin na mariin na kulang na lang ay bumaon ang aking kuko sa aking mga palad. Kung hindi ko iyon gagawin ay tiyak na iiyak na talaga ako at hindi ko na mapipigilan ang mga luha ko. Wala namang ibang nakakarinig. Nasa VIP room kami pero, pakiramdam ko yurak na yurak ni Mr. Saviano ang pagkatao ko. Tanggap ko naman ulit. Nagkamali na naman kasi ako na para bang may sumasabotahe sa akin upang danasin lang ito. Wala naman akong masamang intensyon. Dalisay ang hangarin ng puso ko. Gusto ko lang namang makabangon agad sa pagkakasadlak sa ginawa ni Andy. Nais ko lang makahinga sa bahay namin pero bakit ang hirap noong gawin? Bakit ang daming hadlang? Bakit parang ayaw maki-ayon sa akin ng Tadhana? Ayaw akong pagbigyan.“Mr. Saviano, k-kukunin ko na lang po—” “It's been a two-hour drive, do you think we can wait for you here for four hours?” galaiting tanong ni Mr. Saviano, sa tono na parang sinasabi nitong hindi ba ako nag

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 7

    Sabay silang nagtawanan. Buong akala ko pa naman ay kakampi ko si Rachel, pero bakit nakalabas iyon? Kaming tatlo lang ang nakakaalam ng nangyari. Imposible namang si Mr. Saviano ang magkalat noon sa ibang empleyado. Malamang ay sinabi ni Rachel iyon sa kanila. Pamilyar sa akin ang boses nila, at naging malinaw na rin ang mukha. Kasamahan namin sila sa palapag. Ngumingiti pa sa akin kanina na animo’y concern dahil napagalitan ako ng boss namin.“Bakit kaya na-hire ‘yun? May backer? Ang lakas ng kapit niya ha? Kung dati-rati kapag ganun ang asta ng secretary ni Mr. Saviano, sisante agad. Isang pagkakamali lang, terminated na agad ang kontrata. Tanda mo? Ilang secretary na niya na first day pa lang ay na-fired na agad.” “Kaya nga. Sino naman kaya ang backer niya? Mukhang inosente at walang alam na gawin. Heto pa ah, wala raw iyang work experience kaya nagtataka rin si Rachel kung bakit siya na-hired on the spot.” “Talaga?” “Hindi lang ‘yun girl, noong nag-job interview siya believe m

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 6

    Nanliliit at halos maiyak, iyon ang pakiramdam ko habang tahimik na nakaupo ako sa aking table. Hindi ko man marinig ang pinagsasabi ng mga kasamahan ko, alam kong pinag-uusapan nila ako dahil sa pagkakamaling nagawa ko. Isang oras? Amara isang oras mo silang pinaghintay! Napapiksi ako. Kasalanan ko. Aminado ako, pero may magagawa ba iyong solusyon ngayon?Napasinghot na ako habang pilit inaaliw ang sarili na wala lang iyon. Huwag ko na lang ulit pansinin. Okay lang na magkamali. Ang lahat naman ay nagkakamali lalo na kapag bago pa lang. Paulit-ulit ko ‘yung sinasabi sa aking isipan pero hindi ko magawang dayain ang aking sarili lalo pa at napansin ko ang panaka-nakang tingin nila sa akin na halatang mayroong laman. Sobrang nagui-guilty na ako at hindi ko alam kung anong gagawin ko upang mabawi ang aking sarili dito.Bilhan ko pa ba sila ng kape? Paano kung tanggihan nila? Paano ko ‘yun uubusin? Marami sila.Hindi ako pinapapasok pa ni Mr. Saviano sa loob ng office niya. Naisip ko tu

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 5

    Binuhay ko ang computer sa aking table. May access na ako sa ibang documents doon by folder na sabi ng babae ay madalas na kailangan ni Mr. Saviano. Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingong ginawa nang tumunog ang telephone na nakapatong sa aking table. Mabilis ko ‘yung sinagot. Natataranta pa nga na hindi man lang ako nakabati rito. “Miss Del Prado?” “Y-Yes, Sir…” nauutal ko pang sagot na parang biglang na-blangko na ang isipan at nawala sa isip kung ano ang giangawa. Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya kahapon sa pamamagitan pa lang ng kanyang boses. Masungit. Seryosong mata. “Come inside.” Pagkasabi niya noon ay ibinaba na ang intercom. Mabilis akong tumayo. Inayos ang aking sarili. Ipinaalala rin sa akin ng babae na para mabuksan ko ang pintuan ng office ni Mr. Saviano ay e-tap ko ang ID ko. Ako lang din daw na secretary niya sa ibang mga employee ang may access doon, syempre maliban sa mga matataas ang katungkulan sa kumpanya nila.“Good morning, Mr. Saviano—”“Pak

  • WILLIAM SAVIANO: The Obsessed CEO   Kabanata 4

    Tumango lang ito kung kaya naman tinalikuran ko na. Bumalik ako ng silid. Inuna kong maligo bago iutos iyon sa kanya. Nahiga ako sa kama at binalikan ko ang naging interview ko kanina. Doon pa lang ako natawa. Napatitig na sa kisame dahil to be honest, wala akong alam kung ano talaga ang magiging trabaho ko. Wala akong experience sa bagay na iyon.“Interesting ang CEO na ‘yun. Hindi kaya dahil sa apelyido ko kung bakit ako na-hired?”Nang madala na ng maid ang uniform at sabihin na nakahanda na ang hapunan ay lumabas ako. “O akala ko ba lumayas ka na? Bakit narito ka?” si Raquel na akala mo sinuntok ang labi sa pula noon, “Sabagay, ni kusing ay wala ka sa bank account mo. Paano ka nga mabubuhay noon? Kawawa ka lang at baka maging palaboy sa lansangan. Si Papa naman, mukhang matatagalan sa business trip niya kaya hindi ka niya magagawang tulungan ngayon, Mara.” Hindi ko siya pinansin. Kung ano ang kanyang sabihin ay pinalalgpas ko lang sa kabilang tainga na parang wala akong naririni

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status