Pinagsakluban ng langit at lupa, iyon ang naramdaman ni Amaranth Del Prado nang paggising niya isang umaga ay nilimas ng kanyang boyfriend na si Andy ang lahat ng laman ng kanyang bank account. Hindi lang 'yun, napag-alaman din niyang may relasyon pa sila ng kanyang stepsister na si Raquel. Sa kabila ng matinding hagupit ng kapalaran, natagpuan na lang ni Mara ang sarili sa loob ng opisina ni William Saviano upang mag-apply dito ng trabaho. Ang CEO ng Saviano Verde Winery. Buong akala ng dalaga ay hindi siya matatanggap, ngunit sa di malamang dahilan she was hired. On the spot. As his new secretary. Iyon na ba ang simula ng kanyang pagbangon o ito pa lang ang panimula ng panibago at mas mabigat niyang mga hamon?
View MoreAMARANTH POV
Ilang sandali akong napatulala sa screen ng hawak kong cellphone nang mabasa ang dumating na notification. Mula iyon sa banko kung saan naka-savings ang lahat ng kinita ko mula sa pagiging lihim na modelo. Paano ko ‘yun natawag na lihim? Ako lang ang nakakaalam, tutal katawan ko lang naman ang kailangan nila. Model ako ng mga nighties and lingerie. Madalas na inilalagay iyon sa mga magazines. Pinili ko ito dahil mas safe siya at para sa akin ay madali. Medyo malaki rin ang bayad, depende na lang kung ilang oras kong gagawin iyon. Ginawa ko siyang partime dahil madalas din lang naman akong nasa bahay dahil may mga sidelines pa akong trabaho online. Sa totoo lang ay maraming nag-o-offer sa akin na mas malaki ang kita, gaya na lang na pwede ako umanong lumabas sa TV na kailangan lang ng ilang audition. May mas daring din na pagmo-modelo ngunit patuloy na tinanggihan ko iyon dahil sa simple lang naman ang pangarap ko mula ng lumagpas ako sa edad na twenty; ang makaipon ng pampakasal namin ni Lysander—ang boyfriend ko. At kung tatanggapin ko ‘yun baka iyon pa ang maging dahilan upang masira ang aming relasyon. Hinimok niya akong mag-ipon kami para paghandaan iyon kung kaya naman todo impok ako sa bank account na alam niya ang lahat ng detalye. Malaki rin ang tiwala ko sa kanya dahil future husband ko naman siya kaya hindi ko suka’t akalain na magagawa niya ang bagay na ito sa akin. “Five hundred thousand. Siguro ay pwede na ‘yun sa simpleng kasal natin, Amara.” Tandang-tanda ko pa ang saya sa aking mga mata noon habang pinag-uusapan at pinagpla-planuhan namin ang kasal. Kung saan ang aming honeymoon. Ilan ang magiging anak namin at saan kami titira. Plano niyang umuwi ng probinsya na mas sinang-ayunan ko dahil laki ako sa siyudad. Naisip ko na mas magiging simple ang pamumuhay namin doon at maligaya dahil kasama ko siya. Malayo sa maingay na Lungsod. Ngunit ang kinang sa aking mga mata noon ay napalitan ngayon ng luha at paghihinagpis dahil nasimot lahat ng laman ng aking bank account. As in, wala na itong balance. Zero. Pati ang maintaining balance ay hindi pinatawad. “Oh my God! Ano ‘to? Bakit may ganito? Paano nangyari ito?” Napatayo na ako sa kabila ng pagkahilong naramdaman at pagkasilaw sa liwanag ng ilaw. Patakbo na akong lumabas ng silid. Hindi alam kung alin ang aking uunahin. “Andy! Andy?” natataranta ko pang tawag sa nobyo na wala na sa aking tabi, “Nasaan ka? Andy!” Dito siya natulog kagabi, legal naman kami sa aming mga magulang kung kaya okay lang sa kanila na kung minsan ay matulog siya dito lalo na kung wala ang aking ama. Kaya naman ang asa ko ay magigisnan ko siya sa tabi pagdilat ng aking mga mata. Wala siya sa sala. Wala rin sa banyo. Naglaho siyang parang bula at masama na agad doon ang kutob ko. Bumalik akong muli ng silid. Nagulo ko na ang buhok na gulo pa. Para na akong nauupos na kandila ng mga sandaling iyon. Hindi makahinga. Hindi alam kung ano ang aking uunahin. Parang nakalutang at pansamantalang inalisan ng kaluluwa. Pupunta ba ako ng bangko para mag-report o ang magsumbong muna sa boyfriend ko? Gulo pa rin ang buhok at hindi pa man lang nakakapaghilamos ng mukha ay mabilis akong nagbihis ng panglakad na damit. Kailangang may gawin ako. Baka sakaling mahabol pa. Baka sakaling may glitch lang ang bank kaya nawala ang balance na pinag-ipunan. Sinubukan kong e-dial ang phone number ni Andy pero out of reached iyon. Matapos na itali ang buhok at hagilapin ang bag, napasulyap ako sa study table ko. Natigil sa paghakbang ang nagmamadali kong mga paa kanina. Napasinghap na sa pamilyar na sulat kamay ni Andy sa sticky note na nakalagay doon. Matapos basahin, para akong binuhusan ng malamig na tubig sa buong katawan na naging dahilan upang tuluyang magising at mahimasmasan sa kung ano ang nangyayari. Amaranth, huwag mo na akong hanapin. May iba na ako. Ginamit lang kita sa pansarili kong kapakanan. Isa pa, hindi talaga ikaw ang gusto ko kundi ang kapatid mo. Pakiramdam ko may mabigat na batong dumagan sa dibdib ko. Totoo ba ito? Si Andy ba talagang boyfriend ko ang kumuha? Paano niya nagawa sa akin ito? Saka ano? Hindi talaga ako ang gusto niya kundi si Raquel? Paano? Bakit? Bumaha pa ang katanungan sa aking isipan habang mariin pa rin ang titig sa papel na aking hawak. Nilamukos ko iyon. Tila hindi pa rin ako naniniwala kahit na isinasampal na sa akin ng iniwang note niya iyon. Gamit ang nanginginig na mga dalari ay nag-log in ako sa mobile app ng bank. Doon ko napagtanto na ang perang naipon ko doon ay patungo sa iisang bank account number; kay Andy. Hindi lang isang beses iyon, maraming beses at patungo sa iba’t-ibang bangko. “Walanghiya ka, Andy! Niloko mo ako! Ginamit mo ako! Humanda ka sa akin!” Gulantang man sa nalaman at hindi pa rin matunawan ay kailangan ko pa rin na umalis. Pupuntahan ko siya. Babawiin ko kung ano ang sa akin. Hindi pwedeng makuha niya ang lahat ng iyon. Lumabas na ako ng silid upang madatnan lang si Raquel, na malaki na ang ngisi sa akin. Mukhang alam na nito ang nangyari sa amin ni Andy. Kasunod niya si Tita Claudia; ang stepmother ko at ayaw magpatawag ng Mama sa akin kung kaya naman ay nasanay pa rin ako sa Tita. Nagpapatawag lang siya sa akin ng Mama na awkward kung kaharap namin si Papa na madalas namang wala sa bahay. “Alam mo na siguro ngayon ang lahat, hindi ko na kailangang mag-ingat pa lalo na kung kaharap ka.” may ibang laman nitong turan na hinagod pa ako ng mga mata niyang kunwari ay puno ng awa at nakikisimpatya sa kung anong nangyari, “Anyway, salamat sa lahat ng mga naging sakripisyo mo, Mara. Sa halagang iyon na pinagpaguran mo, makakapagsimula kami ng bagong buhay ni Andy.” sambit pa nito na halos manuot sa buto ang galit ko, hindi lang tungkol iyon sa pera. Tungkol din iyon sa tiwalang ibinigay ko kay Andy. Sobrang dami kong sinakripisyo sa kanya, tapos ganito lang ang matatanggap kong kapalit? Nasaan ang hustisya? Kung ayaw niya sa akin, makipag-break siya at ibalik niya ang pera. “Huwag mo akong hawakan, haliparot! Kailan niyo pa ako niloloko ha?” agad na panduduro sa stepsister ko na hindi agad nakahuma sa bigla kong naging asta, “Kailan niyo pa akong dalawa pinagmumukhang tanga? Sagutin mo ako, Raquel!” Marahil dala ng pandidilim ng aking paningin at umaapaw na galit at sama ng loob, walang pag-aatubili kong hinila ang buhok ni Raquel kung kaya naman agad siyang napaliyad dahil hindi niya napaghandaan ang biglaang magiging atake ko. “Amara, bitawan mo ang buhok ng kapatid mo!” sigaw ni Tita na pilit kinakalas ang kamay ko sa buhok ng anak niya. Sa halip na makinig ay mas lalo ko ‘yung hinigpitan na animo ay nakahawak ako sa lubid. “Isa? Hindi mo siya bibitawan?!” “Mama, help me. Ouch!” paawang iyak ni Raquel na matapang mang-bully ngunit duwag na kapag papatulan ko na.Binuhay ko ang computer sa aking table. May access na ako sa ibang documents doon by folder na sabi ng babae ay madalas na kailangan ni Mr. Saviano. Halos mabali ang leeg ko sa mabilis na paglingong ginawa nang tumunog ang telephone na nakapatong sa aking table. Mabilis ko ‘yung sinagot. Natataranta pa nga na hindi man lang ako nakabati rito. “Miss Del Prado?” “Y-Yes, Sir…” nauutal ko pang sagot na parang biglang na-blangko na ang isipan at nawala sa isip kung ano ang giangawa. Nai-imagine ko kasi ang hitsura niya kahapon sa pamamagitan pa lang ng kanyang boses. Masungit. Seryosong mata. “Come inside.” Pagkasabi niya noon ay ibinaba na ang intercom. Mabilis akong tumayo. Inayos ang aking sarili. Ipinaalala rin sa akin ng babae na para mabuksan ko ang pintuan ng office ni Mr. Saviano ay e-tap ko ang ID ko. Ako lang din daw na secretary niya sa ibang mga employee ang may access doon, syempre maliban sa mga matataas ang katungkulan sa kumpanya nila.“Good morning, Mr. Saviano—”“Pak
Tumango lang ito kung kaya naman tinalikuran ko na. Bumalik ako ng silid. Inuna kong maligo bago iutos iyon sa kanya. Nahiga ako sa kama at binalikan ko ang naging interview ko kanina. Doon pa lang ako natawa. Napatitig na sa kisame dahil to be honest, wala akong alam kung ano talaga ang magiging trabaho ko. Wala akong experience sa bagay na iyon.“Interesting ang CEO na ‘yun. Hindi kaya dahil sa apelyido ko kung bakit ako na-hired?”Nang madala na ng maid ang uniform at sabihin na nakahanda na ang hapunan ay lumabas ako. “O akala ko ba lumayas ka na? Bakit narito ka?” si Raquel na akala mo sinuntok ang labi sa pula noon, “Sabagay, ni kusing ay wala ka sa bank account mo. Paano ka nga mabubuhay noon? Kawawa ka lang at baka maging palaboy sa lansangan. Si Papa naman, mukhang matatagalan sa business trip niya kaya hindi ka niya magagawang tulungan ngayon, Mara.” Hindi ko siya pinansin. Kung ano ang kanyang sabihin ay pinalalgpas ko lang sa kabilang tainga na parang wala akong naririni
Ilang segundong napaawang ang kanyang bibig na hinagod na rin ako ng tingin mula ulo hanggang paa. Malamang kung nagulat ang ibang employee na nagawa pang mahinang magbulungan, hindi siya exempted doon dahil sa aking hitsura. Hindi ako nag-explain. Alam naman niyang umuulan. Isa pa, bakit ako magpapaliwanag? Hindi naman siya ang pinunta ko kung hindi ang trabaho. Kung hindi ako magiging matapang, paano ako lalaban sa mundong sobra kung mang-api?“Alright, Miss, follow me.” Taas ang noong sinundan ko siya kahit pa nakaani na ang presensya ko ng atensyon ng karamihang employee. Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila sa aking hitsura. Ang tanging goal ko ng mga sandaling ito ay ang interview ko.“Please go inside, Mr. Saviano is waiting for you.” motion ng babae gamit ang seryoso pa rin niyang mukha. Inayos ko ang aking tindig kahit pa alam ko sa aking sarili na hindi naman ako presentable. Sinong niloloko ko? Basang-basa ako ng ulan. Putol pa ang heels ng black shoes. Mukhang di
Kung gaano kalapat ang nagngangalit kong ngipin ay ganundin ang diin ng hila ng mga daliri ko sa buhok niya. Gigil na gigil. Doon ko ibinuhos ang lahat ng sama ng loob kong nararamdaman na naipon na sa loob ko. Lumuwag lang iyon nang pagsasampalin ako ni Tita. Marahas niya na akong itinulak palayo kay Raquel na siya namang umatake sa akin. “Wala kang utang na loob! Matapos ka naming bigyan ng tahanan at pamilya, ito ang igaganti mo sa amin?!” agad nitong panunumbat na kung itrato ako ay animo sampid, “Sa inyong dalawa ng anak ko, mas deserve ni Raquel ang maging maligaya! Narinig mo, Amara? Mas deserve niya ang boyfriend mo. Bakit ayaw mong magpaubaya, ha?!”Mapakla na akong napangiti. Hindi makapaniwala na maririnig ko iyon mula sa bibig ni Tita. Ano pa nga ba ang aasahan ko? Ano raw, binigyan nila ako ng tahanan? E bahay ‘to ng Mama at Papa ko bago sila dumating, kaya paanong naging kanila ito? Binigyan nila ako ng pamilya? Ganito ba ang tamang trato sa kapamilyang sinasabi nila?
AMARANTH POVIlang sandali akong napatulala sa screen ng hawak kong cellphone nang mabasa ang dumating na notification. Mula iyon sa banko kung saan naka-savings ang lahat ng kinita ko mula sa pagiging lihim na modelo. Paano ko ‘yun natawag na lihim? Ako lang ang nakakaalam, tutal katawan ko lang naman ang kailangan nila. Model ako ng mga nighties and lingerie. Madalas na inilalagay iyon sa mga magazines. Pinili ko ito dahil mas safe siya at para sa akin ay madali. Medyo malaki rin ang bayad, depende na lang kung ilang oras kong gagawin iyon. Ginawa ko siyang partime dahil madalas din lang naman akong nasa bahay dahil may mga sidelines pa akong trabaho online.Sa totoo lang ay maraming nag-o-offer sa akin na mas malaki ang kita, gaya na lang na pwede ako umanong lumabas sa TV na kailangan lang ng ilang audition. May mas daring din na pagmo-modelo ngunit patuloy na tinanggihan ko iyon dahil sa simple lang naman ang pangarap ko mula ng lumagpas ako sa edad na twenty; ang makaipon ng pam
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments