Napalunok si Bart habang nakatitig sa akin. Saglit lang ang titig niya, saka agad na umiwas. Para bang natatakot siyang salubungin ang mga mata ko. Syempre, sa talim ng tingin ko, parang hinahalukay ko ang loob ng utak niya.“Oo nga pala, mayaman ka. Kayang-kaya mong gawin kahit ano. Maski ang i-stalk ang dati mong asawa.”“Hindi gano’n…” utal-utal niyang sagot, halos pabulong. “I didn’t stalk you. I just… I asked HR.” Kamot-kamot niya naman ang ulo.Napaawang ang labi ko. HR? So, talagang inalam niya kung saan ako nakatira.Pero bago pa ako muling makapagsalita, biglang nagbago ang ekspresyon niya. Umigting ang panga, saka dahan-dahan siyang lumapit. Agad akong umatras, pero maagap niyang nahawakan ang braso ko at diniin ako sa pader.“Bart!” Pinilit kong kumawala. “Let go of me!”Pero imbes bitiwan ako, idiniin niya lalo ang katawan sa akin. Halos maduling na ako sa lapit ng mukha niya.Umiwas ako ng tingin, pero nasalubong ko naman ang mga matang nakatingin sa amin sa hallway—ilang
Huling Na-update : 2025-10-02 Magbasa pa