Tahimik ang loob ng kotse. Pero tibok ng puso ko, mas malakas pa kaysa ugong ng makina. Umasta akong kalmado kanina, pero ang totoo, para akong sasabog sa galit. Gusto kong sundan ‘yong kotse. Pero mas mahalaga si Anessa. Ngayon, tahimik lang siya—nakapikit, pero alam kong hindi siya tulog. Kita ko sa paggalaw ng pilik-mata niya, ang paggalaw ng labi, na halatang pinipigil ang mapahikbi. Gusto kong magsalita. Gusto kong aluin siya, paulit-ulit na sabihin sa kanya na ligtas na siya, na walang dapat ipangamba. Pero kahit anong sabihin ko, alam kong hindi pa rin mabubura ang takot niya. Pigil akong bumuga ng hangin. Itinuon ang tingin sa kalsada at paminsan-minsan siyang tinitingnan. Nakasandal na ang ulo niya sa headrest, bahagyang nakatagilid paharap sa labas. Gano’n lang ang ayos niya hanggang sa makarating kami sa hotel. Agad akong bumaba at binuksan ang pinto sa side niya. “Anessa,” mahina kong tawag, pero hindi siya gumalaw. Yumuko ako, sinilip ang mukha niya. Mapait akong na
Last Updated : 2025-10-12 Read more