Dorryn’s Point of ViewNapakagat ako sa labi ko habang nakatayo sa gilid, pilit na kinakalma ang sarili kahit ramdam kong unti-unting umaakyat ang init ng dugo ko. Hindi ko gusto ang direksyong tinatahak ng nangyayari. Ang bawat segundo ay parang isang manipis na sinulid na maaaring mapatid anumang oras.Kung papatulan ni Nando ang matandang hukluban na ito, alam kong siya ang higit na malalagay sa alanganin. Kahit malinaw naman kung sino ang nagsimula, siya pa rin ang lalabas na may kasalanan. Sa ganitong klase ng mundo, mas pinaniniwalaan ang may kapangyarihan kaysa sa may katotohanan.At mas lalong hindi ko kayang isipin na baka makulong siya. Isang suntok lang, isang maling galaw, at puwedeng magbago ang lahat.Kaya nang makita kong kumuyom ang kamao niya at bahagyang umatras ang balikat niya na tila naghahanda nang sumuntok, hindi na ako nag-atubili.“Dong, wag!”Mabilis kong nasabi iyon, halos pabulong ngunit puno ng pagsusumamo. Natigilan si Nando sa ere, parang biglang nahi
Terakhir Diperbarui : 2026-02-11 Baca selengkapnya