(Demi pov) “Tama na, Kuya. Nakakahiya na kaya, hindi na ako bata.” Reklamo ni Danilo kay Din. “Masanay ka na. Aalagaan ka namin nila Ate hanggang lumakas ka.” “Lola, oh.” “Ikaw talagang bata ka, nagrereklamo ka pa. Baka nakakalimutan mong bunso ka!” Natawa ako sa sinabi ni Lola. Napanguso naman na parang bata si Danilo habang sinusubuan ito ni Din. Nandito kami ngayon sa isang fast food chain at kumakain. Ito kasi ang unang sahod ko dito sa Maynila simula ng bumalik ako may dalawang buwan na rin ang nakakalipas. Oo bumalik ako dito, pero hindi ako mag isa, kasama ko na sila Lola. Nang magising si Danilo ay nagpasya kami na lumuwas. Akala ko noong una hindi papayag si Lola. Ayaw kasi nitong umalis doon. Ang dahilan nito ay dito ito tumanda. Kaya laging gulat ko ng pumayag ito. Dito sa Maynila makakapagsimula ulit ako kasama ang pamilya ko. Ibabaon ko na sa limot ang nangyari ng gabing iyon. Mahal ko si Ate Dixie at ayokong malayo siya sa amin. Pero naisip ko na mabuti
Terakhir Diperbarui : 2025-10-29 Baca selengkapnya