Pagdating sa harapan ng kotse ko ay atubiling nakatayo lang ito. “Nakakahiya basa ako. Baka madumihan ang sasakyan niyo. Salamat sa pagmamalasakit, Sir. Pero kailangan ko ng umalis.” “Wait!” Pigilan ko ito sa braso. Natigilan ako. Napakainit nito. Nakakapaso ang balat nito sa taas ng lagnat. Now I know why mom wants me to bring her to clinic. Mataas ang lagnat ng babae. Hindi ko ito pinakawalan. I don’t care kahit magalit siya. Pinasok ko siya sa loob ng kotse ko at umikot sa driverseat para ipagmaneho ito hanggang sa clinic. Habang nagmamaneho ay mayamaya ko ‘to itong sinusulyapan. Napansin kong maganda pala ito. Maliit ang mukha, hugis puso. Katamtaman ang taas, mga nasa 5’3. Payat ito ngunit makinis at maputi. Agaw pansin ang bilugan nitong mata na binagayan ng malantik na pilikmata, bagay sa maliit nitong mukha ang maliit at matangos na ilong. Ang labi nito… mamumula-mula na manipis. Parang hindi nasasayaran ng sigarilyo. Kapag tinititigan ay lalo itong gumaganda. Pin
Terakhir Diperbarui : 2025-10-21 Baca selengkapnya