Hindi lang si Eliot ang pinag practisan ni Eliana, kahit si Daddy Elijah ay hindi nakaligtas. Tawa ng tawa tuloy sila Mommy. Nandito kami ngayon kina Mommy para pumasyal. Naging hobby na namin ang pumunta dito para dalhin ang mga bata at madalaw na rin sila. Routine na namin ang dalawin sila kapag wala akong pasok sa unibersidad. Minsan kasama namin sila lola kapag pumupunta kami dito. May deliver kasi si Lola ngayon ng mga basahan kaya hindi ito nakasama sa amin ngayon. Busy si Lola masyado sa bagong business na tinayo nito. Bukod sa patahian ng basahan, tumatanggap na rin ito ng mga pre-order na mga uniporme, o mga costumes ngayon, kasama nito sa gumagawa ang mga naging kaibigan nito sa dating barangay na tinirhan namin noon. Naging malapit na kaibigan ni lola ang mga kapitbahay namin noon, kahit ang asawa ng kapitan namin ay naging kaibigan nito. Hindi lang sila sa Zumba magkakasama, maging sa negosyong pinasok. Maging si Anya ay napahawak sa tiyan sa kakatawa ng makita ang ay
Terakhir Diperbarui : 2025-12-15 Baca selengkapnya