Pagkatapos ng klase sa hospital ako nagpunta. Nagulat ako dahil naabutan ko na naman doon si Annaliza. Nang makita ako nito ay binati niya ako. "Ikaw pala, Din. Mabuti dumating ka na. Kakaalis lang ni kuya kaya kami muna ni Mommy ang nagbabantay sa kay Ate Demi. Kumain ka na ba?" "Oo—" "Hindi pa?" Putop niya agad sa akin. "Tamang-tama gutom na rin ako. Hindi pa kasi ako kumakain eh, tara sabay na tayo. Mommy, okay lang ba na sumabay na ako kay Din." Tumango ang mommy nito. "Sige kumain na kayo, nari'yan lang naman ang Daddy mo sa labas kaya may kasama ako." sagot nito. Bukod sa pamilya, maraming bantay kay Ate Demi na mga bodyguard, mas pinahigpit ang seguridad sa paligid nito dahil sa nangyari. Nag iingat na si Kuya Eliot na hindi mapahamak ang pamilya nito. Nginitian ako ni Annaliza, napalunok ako ng kindatan niya ako. Mabuti na lang abala ang mommy nito sa pagpunas sa mukha ni Ate. Alam kong gagawa ng iba pang dahilan at paraan si Annaliza kapag tumanggi ako sa harapan m
Terakhir Diperbarui : 2025-12-19 Baca selengkapnya