(Demi pov) Pawis na pawis ako ng magising ako. Naghahabol ako ng hininga habang sapo ang dibdib ko. "Mhie, may masakit ba?" Nag aalalang tanong ni Eliot. Pipindutin sana nito ang emergency button doon ng pigilan ko ito. "Ayos lang ako. Dhie. Nanaginip lang ako ng masama." Pawis na sagot ko. Niyakap niya ako. Nanginginig pa ako sa takot ng yakapin niya ako. Hinigpitan niya ang yakap sa akin ng umiiyak na nagsumbong ako. "Dhie, namatay daw kayo ng mga bata sa panaginip ko. P-Parang totoo kaya takot na takot ako." "Shhh, it was just a dream. Ligtas ako at ang mga bata kaya wag kang mag alala." "Paano ako hindi mag aalala. Hindi ko alam kung kailan darating ulit si Ate Dixie para guluhin ang pamilya natin. Hindi natin alam kung kailan ulit siya magpapakita para saktan ako." Naalala ko ang karumal-dumal na ginawa ni Ate Dixie sa mga anak ko sa panaginip ko. Binaril daw nito ang mga anak ko sa dibdib, sa tapat mismo ng kanilang puso. Muling dumaloy ang luha ko. "D-Dhie, pwede
Huling Na-update : 2025-12-31 Magbasa pa