(Din pov) Pagkauwi ko sa bahay ay naabutan ko si Lola na may kausap sa telepono. Dumiretso ako sa kusina para kumuha ng tubig, uhaw na uhaw kasi ako. Pero napahinto ako. Akala ko isa sa kaibigan ni Lola na nagsusumba ang kausap nito, si Kuya Eliot pala. “Eliot, hindi ko na kayang maglihim pa. Siguro panahon na para sabihin ko ang totoo.” Huminto sandali ito, pagsilip ko, nakita kong umaalog ang balikat nito, tanda na umiiyak ito, “I-ikaw lang ang naiisip kong makakatulong sa akin. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ito sa mga apo ko.” Muntik na akong mapasigaw sa gulat ng sumulpot sa tabi ko si Danilo. Seryoso kaming nag usap sa kwarto. Simula ng bumalik kami mula sa bakasyon ay sumigla si Lola, pero hindi lang pala ako ang nakapansin na pinipilit lang nito na maging masaya sa harapan namin. “Kuya, sa tingin mo, may sakit kaya si Lola? Hindi kaya may cancer siya at may taning na ang buhay niya?” Kinutusan ko ito. “Tumigil ka nga, tinatakot mo ang sarili mo.” “Kuya, nama
Last Updated : 2025-12-04 Read more