Inayos ko ang buhok ko at nagmamalaking tumingin kay Celine. Si ate Ava naman ay hindi makapaniwala at halatang bumilib sa’kin. “Paano ba ‘yan, Chief? Kami ang may ebidensya laban sa kanya. Self defense lang ang ginawa namin, sila ang unang nagtangka. Humanda ka, Celine. Alam mo bang papunta na ngayon dito ang asawa ng ate ko? Sa tingin mo mananahimik siya sa ginawa mo? No, Celine… kaya humanda ka sa galit ni kuya Elijah sayo!” Oo tinawagan ko ito at nagsumbong ako. Alam ko kasi na hindi sasabihin ni ate ang nangyari dahil nasa meeting ito. Ayaw nitong abalahin ang asawa nito. Walang meeting-meeting sa’kin pag may kinalaman kay ate Ava, at alam kong gano’n din kay Kuya Elijah. Halatang natakot ito ng marinig ang sinabi ko. Hindi nagtagal ay dumating si kuya Elijah, nagmamadali itong bumaba ng kotse at nilapitan si ate Ava upang yakapin. Agad nitong sinuri anh lagay ni ate at ang baby nila. Habang sa tabi naman ay halos mamatay sa inggit si Celine, nasasaktang lumuluha ito habang
Huling Na-update : 2025-09-10 Magbasa pa