Umupo agad ako ng magising ako sa hospital. Ang collection ko unang pumasok sa isip ko. “Mabuti naman gising ka na, anak.” “Si dad?” Hindi ko ininda ang mga sugat ko. Nagtaka naman si mommy. Kapag nagkakasugat kasi ako ay naghuhurumentado ako sa galit, but this time ay hindi, mas mahalagang malaman ko kung nasaan si dad. “Nasa labas ang dad mo. May problema ba—Celine, wait! Kailangan mo magpahinga!” Pigil nito sa’kin ng tumayo ako para lumabas. Pagkalabas ay naabutan ko si dad sa labas, nakaupo habang nakayuko, halatang puyat at pagod. “Nasaan ang mga collection ko, dad?” Bungad kong tanong. “Celine… I’m sorry.” Tanging sabi nito. “N-no…” basag ang boses ko. “Celine, what happened? Ano ba ang nangyayari, sabihin njyo sa akin.” Sabi ni mommy. “Saan mo dinala ang collection ko?!!!” Walang galang kong tanong na ikinagulat ni mommy. “Ibalik mo sila sa akin, dad! Ibalik mo sila sa akin!” “My god. Don’t tell me na pati ang gamit ni Celine ay ginalaw mo?” Maang na tanong n
Last Updated : 2025-09-16 Read more