Gula-gulanit ang branded clothes ko at sabog ang kaka-rebond lang na buhok ko pagkatapos akong kuyugin ng mga anti-fans ko. Karamihan sa mga ito ay nakatakas at hindi nahuli kaya iilan lang ang naabutan ng mga police. Desidido ako magsampa ng reklamo kaya nasa Police station ako ngayon. Nalaman kong karamihan sa anti-fans na sinugod ako ay galit sa mga kabet. Nang dumating si Janna ay binigay nito sa’kin ang paperbag na dala nito para makapagbihis ako. Sa isang clinic kami dumiretso para mapagamot ko ang mga galos ko dahil baka magpeklat ito. Pagkatapos ay sa salon naman kami pumunta pagkatapos para mapaayos ang buhok at kuko ko. Hindi ito makapaniwala na aabutin ko ito sa kamay ng mga fans ko noon. “Tama nga sila, lahat ng modelo, celebrity, politicians o kahit sino pang sikat ay mayro’ng haters. Akalain mo dahil sa mga fans mo at tunay na nagmamahal sayo ay muntik ng masira ang Appex, pero dahil lang sa isang issue mo ay ikaw naman ang handa nilang sirain. Iba talaga ang tingin
Last Updated : 2025-09-06 Read more