Mas lalo akong pinagpiyestahan ng mga katrabaho ko, laman narin ako ng mga balita, kung hindi malandi at mang aagaw ay tinatawag akong ahas. Nag aalalang tinawagan na ako nila Amber at Lorena, nagulat ako dahil nang mag uwian ay nakita ko silang naghihintay sa akin sa labas. Sa tahimik at hindi mataong coffee shop nila ako dinala. “Sabi ko na nga ba mangyayari ito eh,” nagulat ako sa sinabi ng kapatid ko. Bumuntonghininga ito at agad na nagpaliwanag sa akin. “Ate, hindi naman ako kagaya ni mama na walang alam sa high society, nanonood kaya ako ng balita at mahilig sa social media. Noong nakita ko ang boss mo sa hospital nakilala ko siya agad, ayoko lang gawing big deal ang nalaman ko at pag isipan ka ng masama kung bakit hindi mo sinabi sa amin ni mama ang tungkol sa kanya. Ate kita at may tiwala ako sayo, alam ko naman na alam mo ang ginagawa mo at may dahilan ka kaya naglilihim ka.” Paliwanag nito. “Pero mayaman siya at legal na tagapagmana ng isang malaki at kilalang k
Huling Na-update : 2025-08-29 Magbasa pa