"ANO ngayong plano mo?" tanong ni Eliza. "Umalis ka na sa VG, habang may panahon pa. Malapit ng mahalata ang tiyan mo at malalaman ni Adrian na itinatago mo ang anak niya." Napatitig ako kay Eliza. Parang palapit nang palapit, pahirap naman ng pahirap ang sitwasyon ko. Napayuko ako, pinisil ang tiyan ko na tila ba pino-protektahan. “Eliza, hindi ko kayang basta na lang iwan ang trabaho. Kailangan ko ‘yon. At saka… hindi ko pa alam kung paano ko haharapin si Mama.” “Pero, Giselle, mas lalong magiging mahirap kapag siya mismo ang makaalam ng sekreto mo. Hindi ka pa ba natatakot kung anong gagawin ni Adrian kapag nalaman niya ang totoo?” mariing sabi niya. Napapikit ako, nangingilid ang luha. Ang bigat ng lahat. Mula sa trabaho ko, ang pagtatago ko ng totoong kalagayan ko at anak na nasa sinapupunan ko. Para akong hinahati sa gitna. Sunod-sunod ang problema at hindi ko na alam ang uunahin. “Eliza, gusto ko lang muna ng oras. Please. Hindi pa ako handa.” Gusto lang muna nakapa
Terakhir Diperbarui : 2025-09-28 Baca selengkapnya