"I just want to ask if Charry hurt you..." bitaw ni Adrian, kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. At nilapitan ako saka hinawakan sa magkabilang braso. Bumilis ang pintig ng puso ko. Hindi ko alam kung paano ko iiwasan ang mga titig ni Adrian. "Bitawan mo nga ako, Sir. Saka, kaya ko namang protektahan ang sarili ko," sabi ko na tinanggal ang mga kamay ni Adrian sa braso ko. "Worried lang ako baka sinaktan ka niya. I know how capable Charry is.. kayang-kaya niyang manakit ng taong walang kasalanan..." Napasinghap ako sa sinabi niya. “Bakit, Sir? Sa tingin mo ba may kasalanan ako sa nangyari sa inyo ni Charry?” hindi ko naiwasang itanong, kahit alam kong delikado na ang tono ng usapan namin. Natigilan si Adrian. Nakita ko kung paano siya biglang umatras nang bahagya, parang pinipigilan ang sarili. “Hindi ‘yon ang ibig kong sabihin, Giselle,” mahinahon niyang tugon. “I just don’t want her to take her anger out on you.” Napailing ako at bahagyang napatawa, pilit na itinatago a
Last Updated : 2025-10-15 Read more