I’M with my secretary, Thea, for a business meeting with Vino Flores. “Thea, paki-note lahat ng pag-uusapan namin sa meeting,” sabi ko habang naglalakad kami papunta sa office ni Vino. Pagpasok ko sa loob, agad kong nakita si Vino, at sa tabi niya ay andoon si Giselle. Napatigil ako sandali. Of all people… Mukhang nagulat din si Giselle nang makita ako. Pero mabilis na ngumiti na parang walang nangyari. Habang si Vino naman ay kalmado at walang kamalay-malay sa tensyon sa pagitan namin. “Adrian! Sakto, kararating mo lang. Have a seat," sabi ni Vino. “By the way, si Giselle Navarro, applying for the accountant position.” Napakuyom ako ng kamao. Applicant? So, dito pala siya nag-aapply. Napatingin ako sa likuran ko, kay Thea. Umupo siya agad sa tabi ko, kaya binalik ko ang tingin kay Giselle. I wanted to see her reaction, kung may epekto pa rin ako sa kanya. She meets my eyes for a second before looking away. Pero kahit sandali lang ‘yong titig na ‘yon, sapat na para maalala ko
Last Updated : 2025-10-07 Read more