HUMINGA ako nang malalim at tumango habang nakatingin kay Eliza. Parang doon ko lang naramdaman na hindi ako nag-iisa. Kahit papaano, may taong handang sumalo sa bigat na nararamdaman ko. Sa totoo lang, natatakot ako. Wala akong puwedeng lapitan, lalo na ngayon. Buntis ako. “Eliza, paano ko sasabihin kay Mama? Hindi ko kayang tingnan ang mukha niya sa tuwing nakikita ko siya. Alam mong mataas ang expectations niya sa’kin. Hindi ko naibigay ang sarili ko kay Walter pagkatapos kay Adrian ang bilis. Nabuntis na nga ako ngayon,” Mahina kong sabi, halos pabulong. Pero walang halong pagsisisi. Ginusto ko 'to, saka mahal ko si Adrian. Hinawakan ni Eliza ang kamay ko nang mas mahigpit. “Hindi mo kailangang sabihin lahat agad, Giselle. Pero mas mabuti kung sa’yo manggagaling. Masakit man, pero mas masasaktan siya kung sa iba pa niya malalaman.” Napatingin ako sa kaibigan ko, bakas sa mata ko ang kaba. “Paano kung hindi niya ako tanggapin? Paano kung itaboy niya ako? Wala akong ibang mapu
Terakhir Diperbarui : 2025-09-26 Baca selengkapnya