MAGKATABI kami ni Calvin sa bar. Maingay ang paligid, live band sa sulok, mabilis ang galaw ng mga ilaw at abala ang bawat mesa sa sariling mundo. Pero gaya ng dati, tahimik ang isip ko kapag may mabigat akong kailangang pagdesisyunan. Tumingin ako sa baso ko, saka marahang iniikot ang alak sa loob. "Calvin, do you think it’s time I take over Velasco Global?" tanong ko, direkta at walang alinlangan. Calvin Richter, best friend ko at dati kong kaklase sa New York. Simula noong lumipat ako sa Amerika para mag-aral, halos hindi na kami mapaghiwalay. Pareho kaming business majors noon, pero mas madalas kaming makita sa mga bar kaysa sa library. I love bars. Ako ang nagmamanage ng bar namin. Dito, masaya ako. Simple lang. Walang board meetings, walang shareholders at walang mata ng buong pamilya ko na nakatingin sa bawat galaw ko. Sa bar, I’m just Adrian, hindi isang Velasco na tagapagmana at hindi anak ng CEO. Ako lang 'to. Mas gusto ko ‘yung ganitong buhay. Maingay, magulo, pero to
Terakhir Diperbarui : 2025-08-07 Baca selengkapnya