"NAKAKAHIYA naman, hijo, kung sa pangalan lang kita tatawagin. CEO ka ng isang malaking kompanya. E, ano bang gusto mong inumin, Adrian?" Litanya ni Mama, halata kong parang komportable na sila isa't isa ng amo ko. "Kahit ano na lang po," sagot naman ni Sir Adrian na nginitian pa ng matamis si Mama. Parang gusto kong tumayo at umalis na lang. Bakit kasi andito siya? Itinawag naman na ni Mama na may sakit ako. "O, sige. Maiwan ko na muna kayong dalawa rito," paalam ni Mama na ikinaalarma ko. Maiiwan kami ni Sir Adrian sa loob ng kuwarto ko. Sandali... "M-Mama, dito ka lang. 'Wag ka muna umalis," pahabol kong sabi, napalingon si Mama sa akin. "Bakit, Giselle, may kailangan ka ba?" untag niya na matiim ang tingin sa akin. "Ikukuha ko lang ng maiinom ang bisita mo. Nakakahiya naman sa kanya kung wala man lang tayong maibigay kahit inumin. Saka, nagmagandang-loob na siya na dalawin ka, anak." Binalingan ni Mama si Sir Adrian at nginitian. Hindi na ako nakaimik. Hinayaan na lamang s
Terakhir Diperbarui : 2025-08-20 Baca selengkapnya