PAGKAALIS niya sa mesa ay napatitig lang ako sa baso ko, sinusubukang pakalmahin ang sarili. Pero bago pa ako makapag-isip kung tatayo na lang at uuwi, may isang lalaki ang lumapit. Medyo lasing na ito, halata sa pamumula ng mukha at pag-alog ng bote ng beer na hawak niya. "Hi, miss… alone ka ba? Sama ka naman sa table namin. Mas masaya ‘don," sabi niya sabay pilit na inilalapit ang mukha sa akin. Umiling ako at itinulak nang bahagya ang kamay niyang nakahawak na sa upuan ko. "No, thank you. May kasama ako at hindi ako nag-iisa." Pero imbes na umalis, lalo pa siyang lumapit at umupo sa tabi ko. “Kahit sandali lang.” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang biglang may lumapit na tao. Sa isang iglap, nakita ko na lang siyang napahandusay sa semento. Napatili ako, lalo na nang makita kong hawak niya ang panga niyang tinamaan ng suntok. May dugo nang tumutulo sa gilid ng labi niya. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ko sa tabi niya si Sir Adrian. Nakakuyom pa rin ang kamao, galit
Terakhir Diperbarui : 2025-08-15 Baca selengkapnya