HABANG nakatitig ako sa mga bituin sa langit. Parang nakakaramdam ako ng katahimikan. Feeling ko nawawala ang sakit at nakakagaan ng loob ko ang liwanag na nagmumula sa bituin. Dumagdag pa ang magandang buwan ngayong gabi na nagkukubli sa mga ulap. “Ang daming bituin…” bulong ni Elisa sa akin. “Hmm…” ngumiti ako habang nakatingala. “Parang mas maliwanag sila kapag nandito sa tabing-dagat. Sa city kasi, puro ilaw ng kalsada lang.” Tumingin siya sa akin at sa liwanag ng buwan, nakita ko ang pilya niyang ngiti. “Alam mo, kapag tumitingala ka sa bituin, parang bata ka.” Napatawa ako. “At ano naman ang ibig sabihin nun?” “Wala. Ang saya mo lang tignan. Para bang… for once, wala kang iniisip na problema.” Napahinto ako, pero hindi na ako tumingin sa kanya. Pinagpatuloy ko lang ang pagmamasid sa mga bituin. “Siguro kasi… sa ilalim ng langit na ganito, parang lahat ng mabibigat, nababawasan.” Tahimik ulit kami sandali, hanggang sa bigla siyang bumangon at umupo. “Tara, mag-wish tayo.”
Terakhir Diperbarui : 2025-08-11 Baca selengkapnya