"GOOD morning, Calis." Nakangiting bati ni Calvin sa anak namin. Nakatingin lang si Calis sa ama niya na parang hindi kilala. Nilapitan ko na ang anak ko at kinarga. Naglalaro ito ng kanyang cooking set sa sala ng bahay nina Adrian. "Good morning, baby," bati ko at hinalikan ito sa pisngi. Tumingin si Calis sa akin at ngumiti, yumakap ito sa leeg ko. Ramdam ko na medyo nahihiya o takot pa ito sa mga bagong mukha, lalo na kay Calvin. "Calis, kilalanin mo... si Papa Calvin," pakilala ko nang mahina, habang marahang itinuturo ang lalaki. Nanatili ang tingin ni Calvin sa bata, puno ng halo-halong emosyon. Lungkot, saya, at panghihinayang. "Hi Calis... ang ganda mo naman," sabi ni Calvin at dahan-dahang inilapit ang kamay para haplusin ito, pero agad na yumuko at nagtago sa leeg ko si Calis. "Shhh... it's okay, baby. Si Papa 'yan," pagpapalakas ko ng loob sa bata. "Okay lang 'yon Elisa," putol ni Calvin at napangiti nang mapait. "Naiintindihan ko. Matagal din naman tayong hindi na
Read more