WALANG araw na hindi kami magkasama ni Lego. Parang nasanay na kami ni Calis na kasama siya araw-araw sa apartment. Katulad ngayon, day off naming pareho. Andito si Lego sa apartment ko. Tahimik ang umaga, pero hindi nakakailang. Sanay na ako sa presensya niya. Sa paraan ng pag-upo niya sa sofa na parang sa kanya ang lugar, sa tunog ng mahinang tawa niya habang may pinapanood si Calis sa TV. Nasa kusina ako, nagtitimpla ng kape, nang maramdaman ko ang titig niya. “Bakit?” tanong ko, hindi lumilingon. “Wala,” sagot niya, pero ramdam kong nakangiti siya. “Ang ganda mo lang tignan kapag gan’yan… simple lang.” Napairap ako pero hindi ko napigilang mapangiti. “Drama mo.” “Hindi ah,” depensa niya, saka tumayo at lumapit sa akin. Napahinto ako sa paghahalo ng kape nang maramdaman ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. Hindi naman siya dumidikit, pero sapat na ‘yon para mag-init ang pisngi ko. “Lego…” mahinang tawag ko, parang babala. “Hm?” bulong niya, bahagyang yumuko para map
Read more