TUMANGO ako habang patuloy na tumutulo ang aking mga luha, pero sa pagkakataong ito ay kasabay na rin ng malawak na ngiti na hindi ko na mapigilan pa. "Opo, Mama... siya po ang ama ni Calis. Ang lalaking tumulong sa inyo, ang lalaking gumawa ng lahat ng kabutihang iyon nang walang hinihintay na kapalit... siya rin ang lalaking minahal ko, minamahal ko, at mamahalin ko habang buhay. Siya ang ama ng aking anak, ang ama ng inyong apo." Hindi agad nakapagsalita si Mama. Nakatingin lang siya sa akin, habang dahan-dahang nagbabago ang kanyang mukha mula sa pagkabigla patungo sa labis na tuwa at kagalakan. Kitang-kita ko kung paano kumislap ang kanyang mga mata na puno na ngayon ng luha ng kaligayahan. "Kaya pala..." bulong niya, parang ngayon lang nagkaintindihan ang lahat ng mga piraso ng kwento sa kanyang isipan. "Kaya pala ang tapat ng kanyang kalooban, kaya pala ang laki ng kanyang pagmamalasakit, kaya pala hindi siya nag-atubiling tumulong kahit hindi naman siya obligado. Hindi lang
Read more