ANASTASIA “Heto na nga ba ang sinasabi ko 'eh! Please, sabihin mong naalala mo pa ang daan, Kirill!” Malakas na ang tibok ng puso ko dahil sa kaba na nararamdaman ko ngayon. Jusko, mayroon kasing dalawang pathway sa harapan namin ni Kirill. Pero wala naman akong maalala na may dinaanan kaming ganito. At isa pa, diretso lang naman ang tinahak namin na daan kanina kaya imposibleng maligaw kaming dalawa. “Stop panicking, straight lang ang dinaanan natin kanina,” sagot ni Kirill. Nakasakay pa rin ako sa likuran niya. Kanina ko pa nga siya pinipilit na ibaba na ako dahil baka pagod na siya, pero ayaw niya. Sinasabi niya lang na kasama raw ito sa exercise niya kaya hayaan ko na lang siyang buhatin ako. And as someone na legit na pagod at masakit talaga ang katawan—ay hindi ko ito tinanggihan. “We'll go right,” aniya, bago ay nagsimula nang maglakad sa kanang pathway. Napalunok naman ako. “Paano
Last Updated : 2025-08-31 Read more