ANASTASIAMahigit isang oras din kaming nagkukwentuhan lang sa pwesto namin. Hindi rin naman kasi masyadong mainit, at fresh air din. Idagdag pa ang ilog sa may baba namin na talaga namang malamig. “Haaay!” malalim na pagbuntong hininga ni Anya. “Wala ka talagang planong maligo, Ma'am Ei—”“Ei na lang... mas gusto kong tawagin mo ako, at nang ibang empleyado na Ei, sa tuwing wala naman sa paligid si boss,” pagputol ko agad sa sasabihin niya. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata nito habang tumatango matapos nitong tumayo. “Sige, Ei! Oh siya, mauna na muna ako ha? Sasama ako sa kanilang magtampisaw habang maaga pa at wala pang pananghalian,” paalam niya sa akin. Nginitian ko lang naman siya bilang kasagutan. Naiwan akong magisa, nagmomoment at kumakain nang chips dito sa batuhan. Dahil wala na akong kausap, ay nagsimula nang lumipad at mag-wonder ang isipan ko habang tulala ako. Iniisip ko na naman ang pinagusapan namin kanina, at kinukumbinsi ko ang sarili ko na walang mangyayarin
Last Updated : 2025-09-06 Read more