Tinitigan ni Leandro ang kanyang telepono sa ibabaw ng glass coffee table. Naroroon pa rin ang audio file mula sa Interpol, ngunit hindi niya pinayagang maagaw nito ang katahimikang matagal nilang ipinaglaban ni Isobel."Leandro? Sino 'yung tumawag kaninang maaga?" mahinahong tanong ni Isobel habang lumalabas mula sa master bedroom, nakasuot ng malambot na white silk robe at pilit na kinukuskos ang kanyang mga mata.Mabilis na pinatay ni Leandro ang screen ng telepono, humarap sa dalaga, at pinalitan ang seryosong mukha ng isang napakatamis na ngiti. Lumapit siya at agad na ipinalupot ang kanyang mga braso sa baywang ni Isobel."It was just Interpol giving routine updates, my love," pabulong na halik ni Leandro sa pisngi nito. " Nothing for you to worry about. Handled na ng NBI at ng security team ang lahat ng borders.""Sigurado ka?" nakatitig na tanong ni Isobel, hinawakan ang magkabilang pisngi ng binata. "Ayaw kong may itinatago ka sa akin, Leandro. Nangako tayo sa isa't isa,
Last Updated : 2026-08-20 Read more