“Isobel! Over here! Dali, picture muna tayong tatlo bago magsimula ang procession!”Ang buong quadrangle ng University of the Humanities ay puno ng kulay, musika, at tawanan. Ang init ng araw ng graduation ay sabay na nilalabanan ng mga makukulay na balabal, togas, at malalaking bouquet ng mga bulaklak. Sa bawat sulok ng campus, may mga pamilyang nag-iiyakan sa galak, mga magkakaibigan na nag-e-exchange ng mga regalo, at mga estudyanteng hindi pa rin makapaniwala na narating na nila ang dulo.Patakbong lumapit sina Krisha at Ana kay Isobel, parehong naka-ayos at halos magkareho ang makeup. Si Isobel naman ay dahan-dahang inayos ang kanyang itim na toga, habang nakabitbit ng maliit na sling bag.“Grabe, Isobel!” gulat na sabi ni Krisha habang inaayos ang graduation cap ni Isobel. “Ang ganda-ganda mo ngayon! Bagay na bagay sa 'yo yang toga. Hindi halatang puyat ka kagabi sa pag-aayos ng speech mo!”Nangiti nang bahagya si Isobel, bagaman may bahid ng kapaguran sa kanyang mga mata. “
最後更新 : 2026-08-06 閱讀更多