Dahil sa tagumpay ng paunang presentasyon ni Isobel, nagbukas ang napakaraming pinto ng oportunidad para sa Salazar Holdings. Sa loob lamang ng limang araw, mahigit tatlong malalaking international publishing companies mula sa London, Tokyo, at Singapore ang mabilis na nagpadala ng kanilang mga formal proposal para sa isang exclusive regional partnership.Sa loob ng executive office ni Leandro, nakatambak sa ibabaw ng glass coffee table ang iba't ibang kumpol ng usapan, kontrata, at financial projection reports mula sa mga interesadong kumpanya. Kasama nila sa loob ng silid si Senior VP of Finance, ilang key department heads, at syempre, si Damian Vergara na nakasandig sa may pader, nakahalukipkip habang nakatingin sa mga papeles." Isang napakagandang problema nito para sa Salazar Holdings," nakatitingalang pahayag ng Head of Corporate Marketing habang binabasa ang summary profiles. " Aethelgard Media mula sa London, Sakuraba Cultural Publishing mula sa Japan, at Apex Global Media
最後更新 : 2026-08-13 閱讀更多