Nahiya si Harmony sa papuri, lalo na’t alam naman niyang hindi na rin new idea ang suggestion niya. “May napanood lang po ako dati na video, accidentally lang,” paliwanag niya.Lumapit si Rosalie sa pintuan at sumigaw paloob, “Gerry, tigil ka muna sa pag-inom ng tea. Lumabas ka rito, magpulot tayo ng bulaklak.”“Sandali, sandali. Bakit tayo namumulot ng bulaklak?” Rinig ang boses ni Gerry papalapit.“Sabi ni Harmony, pwede raw nating patuyuin yung mga itinanim ni mama, tapos i-frame at isabit sa pader. Hindi masasayang ang pinaghirapan niya, maganda pa.”“Magandang idea ‘yan. Ang talino talaga ni Harmony.”Simpleng bagay lang pero pinuri na naman siya. Nahiya si Harmony pero masaya rin, hindi mapigilan ang pag-angat ng ngiti niya.Pag-angat ng tingin niya, nakita niyang nakatingin din sa kanya si Darien, may bahagyang ngiti, sabay sabi ng, “Pregnancy Brain”.Alam niyang tinutukso lang siya, kaya kunwari nainis siya at sinipa siya nang marahan.Hindi umiwas si Darien, hinayaan
Read more