At habang nagpatuloy ang gabi, hindi alam ni Aiden kung alin ang mas nakakakaba ang muling pagkikita nila ni Luigi, o ang katotohanang unti-unti na niyang hinahayaan ang sarili niyang mahulog kay Aiden Ferrer.Matapos ang dinner, hinatid ni Aiden si Bella sa apartment. Tahimik lang sila sa kotse, pero ramdam ni Bella ‘yung mga salitang hindi na kailangang sabihin.“Thank you, sir,” mahinang sabi ni Bella nang bumaba siya.“Stop calling me ‘Sir’ when I’m not in the office,” sagot ni Aiden, may ngiti sa labi. “Good night, Bella.”At sa unang pagkakataon, nakatulog si Bella nang may ngiti sa labi, hindi dahil nakalimot siya sa nakaraan, kundi dahil may taong nagpapaalala sa kaniya kung gaano siya kahalaga.Kinabukasan ay day off niya.Maaga siyang ginising ni Sarah, dahil sabik na sabik din itong maglabas ng stress.“Girl, let’s go shopping!” sigaw ni Sarah habang kumakain ng pancake.“Sarah, wala akong planong gumastos,” sagot ni Bella habang nag-aayos ng buhok.“Hindi gastos ‘to. Thera
Read more