Pagdating namin sa mansion, bumati pa si Butler Joe, pero halos wala na akong lakas para sumagot.“Good evening, Ms. Olivia—”“G-Good evening po…” mahina kong sabi habang bitbit ang bag.Pagpasok namin sa loob, agad kong tinawagan si Nanay.Kumportable na raw siya sa ospital at unti-unti nang gumagaling.“Anak, huwag mong papabayaan ang sarili mo, ha? Kahit anong trabaho mo, magpahinga ka rin.”Ngumiti ako habang pinipigilan ang pagluha. “Opo, Nay. Huwag po kayong mag-alala, ayos lang ako dito.”Pagkatapos ng tawag, napabuntong-hininga ako, ‘yung tipo ng buntong-hininga na may halong pagod at ginhawa.“Everything okay?” tanong ni Lorenzo na kakapasok lang din sa living room, hawak ang coat niya.“Opo,” sagot ko, pilit na ngumiti. “Si Nanay, mas maayos na po raw ang pakiramdam.”Tumango siya. “Good. That’s… good.” Tahimik kaming dalawa pagkatapos noon.Inilapag ko ang bag ko sa sofa, at dahil sa sobrang pagod, napahiga ako ro’n saglit.Sandali lang, Olivia, pahinga ka lang ng konti...
Read more