ALLISON P.O.V. 2 YEARS LATER..... As I watch my family laughing together in the living room, I can’t help but shed tears. After everything we’ve been through, we’ve finally found peace in each other’s hearts. "Drake, tawagin mo nga si Mommy. Maglalaro tayo," masayang sabi ni Dwayne sa panganay namin, na ngayon ay kaya nang magsalita ng tuwid, tumayo at maglakad ng mag-isa. Ang bilis din ng araw, buwan at taon. Parang kailan lang ay baby pa siya, ngayon ay tatlo na sila—kasama ang tatay na isip na bata. Karga-karga niya si Allayne, na mukhang nag-eenjoy sa ginagawa nila. “Mommy! Daddy wants you to come play with us,”nakangiting sabi ni Drake habang naglalaro ng kanyang mga kotse at dinosaur. Itong batang ito ay parang matanda kung mag-isip. Ayaw niya ng nakakalat na laruan sa kanyang mga gamit, at ayaw din niyang maistorbo kapag seryoso siya o nagbababasa ng libro. Sobrang talino—hindi namin alam kung saan niya nakuha. Kung tutuusin, parehas kaming bobo ni Dwayne sa ibang bagay, p
続きを読む