"Kinakabahan na ako para sa presentation ko mamaya," ani Timothy.Nasa gitna ako ng dalawa. Pabalik na kami sa kompanya pagkatapos bumili ng mainit na kape. The coffee shop was just across the building. Ito ang nagpumilit na lumabas kami upang bumili ng maiinom dahil gusto nitong kumalma.I looked at him. "We know you can do it, Tim," sabi ko, na sinang-ayunan din ni Ate Davina.Napangiti ito roon, pero mabilis din naman iyon nawala kasabay ng pagpakawala nito ng buntong-hininga. "Thank you, Babes. I really appreciate it. Kaso hindi ko talaga maiwasang isipin na baka may mangyaring masama, and worse, hindi tanggapin ng executives…" himutok nito."There is nothing wrong with being a pessimist, pero hindi ibig sabihin no'n ay mananatili ka na lamang na ganun." Hinawakan ko ang braso niya at ngumiti nang malapad. "You have to be optimistic, Tim," dagdag ko.Tumango na naman si Ate Davina doon at sinilip ang lalaki sa tabi ko. "Tama si Callista, Tim. Kung takot ka man na maulit iyong nang
Huling Na-update : 2025-09-06 Magbasa pa