Halos mapunit na ang labi ko sa lapad ng ngiting nakapaskil doon. Maraming taon kong hinintay na muling magka-aso. I had one back when I was in grade school, and it was a stray dog.Kaso nga lang, namatay at hindi ko na ulit nagawang mag-alaga pa ng bago dahil ayaw ni Papa. Si Mama lang ang sumuporta sa akin noon sapagkat animal lover din ito tulad ko.Nakaka-overwhelm, sobra. Pakiramdam ko, maiiyak na ako sa saya nang makita ang dala niyang tuta. Hindi naman siguro ako nananaginip, 'di ba?"Hala, ba't po kayo umiiyak, Ma'am Aella? Ayaw niyo po ba kay Browny?" sunod-sunod na tanong sa akin ni Bebang."Ha?" I wasn't asking her to repeat what she had said to me, but about the name she had just mentioned.Browny? 'Yun ba ang ipinangalan ni Damon sa tuta? I mean, kulay brown ito. Kaya lang, kailangan ba talagang ganoong klaseng pangalan ang napili niyang ibigay rito? Ang literal lang kasi."I already told you that he is not Browny," Damon cut in.Ngumisi ito at nagkibit-balikat lamang, sa
Huling Na-update : 2025-09-13 Magbasa pa