Sa unang araw namin sa Casa Martina, masasabi kong maayos naman ang naging takbo ng lahat. Sinimulan ang programa sa pagpapakilala ng mga sarili namin sa lahat. Our vision and mission as employees of the company.May mga activities na kaming naisagawa. Mostly, lalaki laban sa aming mga babae. At dahil din sa walo ang kalalakihan, hinahalo sa amin si Timothy para maging fair ang bilang ng dalawang pangkat. Bukod pa roon, hindi rin ganoon ka hirap ang bawat challenge na kinaharap naming lahat."Scavenger hunting bukas, 'di ba?" baling sa akin ni Mikee. Magkatabi lang kami, habang ang dalawa ay nasa bandang likuran namin."Galing. Hindi pa nga tayo tapos sa tree planting ngayon, activity na bukas ang tinatanong mo," buwelta ni Timothy. Patuloy lang ito sa pagbubungkal ng lupa gamit ang kahoy na halos mabali na.Namaywang ang dalaga at nilingon ito. "Ano bang pakialam mo? Ikaw ba tinatanong ko, baliw?""At ako pa talaga 'tong baliw, grabe," naiiling na wika ng lalaki. "Kung itusok ko kaya
Huling Na-update : 2025-09-18 Magbasa pa