Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.
> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.” Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib, pero kasabay no’n, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Para siyang binitin sa ere. “Wrong send…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi siya mapalagay. Bakit gano’n ang laman ng mensahe? About Tamara. And the kids. Napaupo siya muli sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na para bang ito ang susi sa lahat ng tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Gusto niyang mag-reply. Gusto niyang tanungin si Liven kung ano ba talaga ang ibig sabihin niyon. Pero natigilan siya—ano ang karapatan niya para manghimasok? Bumaling siya sa natutulog na si Aryana. Payapa ang mukha nito, walang alam sa bagyong dumaraan sa isip niya. Saglit niyang ipinikit ang mga mata, pilit pinipigil ang sarili. Ayaw niyang magkaroon ng gulo. Ayaw niyang magkamali ng hakbang. Ngunit habang pinagmamasdan niya ang mga mata ng kambal na paulit-ulit bumabalik sa isip niya, isang bagay ang lalong lumalakas sa dibdib niya—ang pangangailangan ng kasagutan. Muling dumampi ang daliri niya sa cellphone. Dahan-dahan siyang nag-type ng reply. > “Liven… kung may dapat akong malaman, sabihin mo. Don’t play with me.” Nakatitig siya sa screen, hinihintay ang typing indicator, pero ilang minuto ang lumipas—walang sagot. Sa labas ng bintana, lalong lumalim ang gabi. Ngunit sa isip ni Lexus, lalo lamang dumami ang tanong na hindi niya alam kung saan siya magsisimulang sagutin. Samantala, si Liven ay nasa kwarto na niya. Nakahiga ito sa kama, hawak ang cellphone, at halos mapahagalpak sa tawa nang mabasa ang reply ng Kuya niya. “Grabe si Kuya,” natatawang bulong ni Liven habang umuikot-ikot sa kama. “Akala mo naman seryoso agad. Ano gusto niya bang magkaroon sila ng anak ni Tamara?” Nag-type siya ulit ng mensahe, nilagyan pa ng laughing emojis para mas lalo niyang ma-imagine ang iritadong mukha ni Lexus. > “Relax, Kuya. Hahaha. Joke lang ’yung una. Wala kang dapat alamin. Chill ka lang diyan kay Ate Aryana.” Habang natawa si Liven sa sariling biro, bigla rin siyang natigilan. Nakatitig siya sa kisame, hawak pa rin ang cellphone, at unti-unting sumeryoso ang mukha niya. “Pero… paano nga kaya kung anak ni Kuya Lexus ang kambal?” mahina niyang bulong sa sarili. Napakurap siya at napaikot-ikot ang dila, pilit na tinataboy ang ideyang iyon. Hindi pwede… imposible, diba? Pero kahit anong pilit niyang iwasan, sumulpot at sumulpot ang mga alaala. Naalala niya noong una niyang makita ang kambal—ang porma ng mata, ang ngiti, pati ’yung paraan ng pag-bless. May kakaibang pagkakahawig. Noon pa man, ramdam na niya pero hindi lang niya pinansin. Ngayon, habang nakahiga siya, para bang may boses sa loob ng utak niya na paulit-ulit na bumubulong— “Paano kung totoo?” Napahilot si Liven sa sentido, napailing at natawa nang pilit. “Grabe, pati ako napapaisip. Eh, kung totoo nga… bakit hindi sinabi ni Tamara? At paano kung malaman ni Kuya?” Bigla siyang kinabahan. Sa isip niya, hindi iyon basta biro lang. Kung sakaling totoo, magiging malaking gulo. Natahimik siya, at sa unang pagkakataon, nakaramdam si Liven ng bigat na hindi niya inaasahan mula sa isang simpleng biro. Humiga nang tuwid si Liven at mariing ipinikit ang mga mata. Ramdam niya ang kabog ng dibdib, hindi dahil sa takot, kundi dahil sa bigat ng ideyang hindi niya maalis sa isip. “Hindi… hindi ako dapat makialam,” bulong niya, halos siya lang ang nakakarinig. “Kung may sikreto man si Tamara, siya lang ang may karapatan magsabi. Hindi ako.” Pinilit niyang umayos ng higa at tinakpan ng kumot ang sarili. Subalit kahit nakapikit na, malinaw pa rin sa utak niya ang imahe ng kambal—yung mga mata, yung paraan ng pagtawa, at yung pagiging malapit nila kay Tamara. Kung totoo nga… saglit na naisip niya, magbabago ang lahat. Lalo na kay Kuya. Napabuntong-hininga siya at pinilit ngumiti. “Baka nag-o-overthink lang ako,” bulong niya, kahit alam niyang may bahagi sa sarili niya na hindi kumbinsido. Sa huli, pinili niyang manatiling tahimik. Hindi muna siya kikilos, hindi muna magsasalita. Ipinangako niya sa sarili na magmamasid na lang siya sa mga susunod na araw. Ngunit kahit anong pilit niyang matulog, hindi siya agad dinalaw ng antok. Sa halip, naiwan siyang gising, iniisip ang tanong na ayaw niyang sagutin—isang tanong na posibleng makasira ng katahimikan ng lahat kung sakaling mabunyag.Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib, pero kasabay no’n, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Para siyang binitin sa ere.“Wrong send…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi siya mapalagay. Bakit gano’n ang laman ng mensahe? About Tamara. And the kids.Napaupo siya muli sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na para bang ito ang susi sa lahat ng tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Gusto niyang mag-reply. Gusto niyang tanungin si Liven kung ano ba talaga ang ibig sabihin niyon. Pero natigilan siya—ano ang karapatan niya para manghimasok?Bumaling siya sa natutulog na si Aryana. Payapa ang mukha nito, walang alam sa bagyong dumaraan sa isip niya. Saglit niyang i
Umalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa gitna ng isang masayang selebrasyon na hindi niya maramdaman.Ang bigat ng dibdib niya. Pilit siyang ngumiti kanina para hindi mahalata ng iba, pero ramdam niya sa sarili niyang wala na siyang gana. Kaya umupo siya sa mesa, nakatitig lamang sa baso ng wine na hindi niya man lang ginagalaw.Maya-maya, naramdaman niya ang pag-upo ni Franz sa tabi niya. Tahimik lang ito saglit, pero ang presensya nito ay sapat para kumalma kahit kaunti ang kaba sa puso niya.“Is it hurt?” tanong ni Franz, diretso pero mababa ang tono ng boses.Napalingon si Tamara, pilit na ikinukubli ang emosyon sa mga mata. “What do you mean?”Mas tumindi ang titig ni Franz sa kanya, halos parang binabasa nito ang kaluluwa niya.
Magsasalita na sana ako pero nawala ang atensyon ko kay Lexus nang biglang may sumulpot sa harapan ko, kasabay ng isang pamilyar na tinig.“Waaaah! Ate Tamara!” tila umiiyak na batang sambit ni Massie.Napangiti ako nang makita ko ito at mahigpit kong niyakap. Ang laki na ng pinagbago niya. Dalagang-dalaga na, at mas maganda pa kaysa sa akin.“Super ganda mo, Massie!” sambit ko.“At super ganda mo rin, Ate Tamara! Na-miss kita sobra!”“Woah! Long time no see, Lilsis!”Napakurap ako, halos hindi agad makapagsalita nang makita ko si Liven—ang kakambal ni Lexus. Naka-casual suit lang siya, nakangiti nang maluwang na para bang hindi limang taon ang lumipas mula noong huli kaming nagkita.“Liven…” mahina kong sambit, pero bago pa ako makareact, agad na niyang isinampa ang braso niya sa balikat ko at hinila ako sa isang mahigpit na yakap.Pakiramdam ko ay napaso ako sa gulat at kaba, lalo na nang maramdaman kong naroon pa rin si Lexus, nakamasid sa amin mula sa di-kalayuan.Noon kasi sobran
“Tulungan mo ’ko, Franz,” halos pabulong pero puno ng desperasyon kong sambit habang pinipigilan ang panginginig ng boses ko. Ramdam ko rin na nanginginig ang mga kamay ko habang mahigpit na nakakapit sa kumot. “Tulungan mo akong makaalis ng bansa. Hindi ako puwedeng magtagal pa rito. Hindi dapat malaman ni Lexus ang pagbubuntis ko.” Nanatiling tahimik si Franz, at nakatitig sa akin na para bang sinusuri kung gaano ko ba talaga kayang panindigan ang sinasabi ko. “Buntis ka sa kanya, Tamara,” mabigat niyang sambit. “Sigurado ka bang handa kang itago sa kanya ’to? Hindi mo man lang siya pagbibigyan na malaman na—” “Franz, please,” mabilis kong putol, halos pakiusap na may halong panginginig. “Kapag nalaman niya, iiwan niya lahat… iiwan niya ang Luxerio’s Empire para lang sa akin at sa batang ’to. Hindi ko hahayaan na gawin niya ’yon. Masisira siya. Masisira ang lahat ng pinaghirapan niya.” Napatakip ako ng mukha, hindi na napigilan ang pag-agos ng mga luha. Sa bawat salitang luma
Tamara’s Point of View“Let’s break up.” sambit ko habang pilit na pinipigilan ang pagtulo ng mga luha na kanina pa nagbabantang bumagsak. Kaagad na napakunot ang noo ni Lexus, para bang hindi pa rin niya iniintindi ang ibig sabihin ng sinabi ko. “That’s not a good joke, Babe,” aniya, may bahagyang ngiti pa sa labi,ngiting mabilis ding naglaho nang makita niyang hindi ako natawa. “Hindi ako nagbibiro,” mahina kong tugon. “Ayoko na, Lexus. May iba na akong mahal… sorry. Hindi na ako nakapaghintay. We are engaged.” Dahan-dahan kong iniangat ang kamay ko, ipinapakita sa kanya ang makinang na singsing na nakasuot sa daliri ko,singsing na hindi galing sa kanya. Kita ko ang unti-unting pagguho sa mga mata niya, para bang nabasag ang mundo na buong buhay niyang iningatan. Alam kong dinurog ko siya, pero ito ang dapat. Hindi ko hahayaang iwan niya ang lahat ng mayroon siya,ang pamilya, ang pangalan, ang kinabukasang pinaghirapan niya,para lang sa akin. He is the new CEO of Luxerio’s Empi