Home / Romance / THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE / CHAPTER 7: ASO’T PUSA!

Share

CHAPTER 7: ASO’T PUSA!

Author: febbyflame
last update Last Updated: 2025-11-16 07:24:06

Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Tamara. Tahimik ang buong bahay, tanging huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng hangin sa mga kurtina ang maririnig. Nakasandal siya sa wooden railing ng balkonahe, hawak ang isang tasa ng kape na halos hindi niya nalalasahan. Mabigat ang dibdib niya, hindi dahil sa problema—kundi dahil sa desisyon na kailangan na niyang gawin.

Kasunod ng maliliit na yabag, lumabas si Liana, ang panganay niya, dala ang paborito nitong plush toy.

“Mommy… are we really going back to Singapore?” tanong nito, nakakunot ang noo, may halong lungkot sa boses.

Napatingin si Tamara sa anak, bago pa siya makasagot, lumabas si Thunder, kasunod si baby Sofia na nasa yakap ng kanilang yaya.

“Mom, gusto ko dito,” sabi ni Thunder, diretso at walang pasikot-sikot. “I can play outside. I can be with Lolo. And… mas masarap pagkain dito.”

Natawa si Tamara kahit papaano, pero sa likod ng tawa niya ay pagtatama ng isip at puso.

Umupo sila sa balkonahe—magkakatabi, magkakadikit. Mainit ang sikat ng araw pero mas mainit ang lambing ng mga bata.

“Why do you want to stay here, sweetheart?” tanong ni Tamara kay Liana.

“Because here… you smile more,” sagot ng bata, halos bulong. “And we feel safe.”

At doon natunaw ang lahat ng pagdadalawang-isip ni Tamara. Minsan, simple lang ang sagot—ang boses ng sariling mga anak.

Kinahapunan, matapos ang mahabang umaga ng tensyon at hindi pagkakaunawaan, nagdesisyon si Tamara na kausapin muli ang ama — si Apollo — tungkol sa alok nitong trabaho sa kumpanya. Tahimik siyang naglakad papunta sa veranda kung saan madalas itong nagbabasa ng dyaryo tuwing hapon.

Nakita niya ang ama na nakasuot ng salamin, abala sa pagbabasa, ngunit agad itong ngumiti nang mapansin siya.

“Tamara. Napadalaw ka. May naisip ka na ba tungkol sa alok ko kanina?”

Huminga nang malalim si Tamara bago umupo sa tapat niya. “Dad… gusto ko sanang pag-usapan ’yon.”

Ibinaba ni Apollo ang dyaryo, at agad naging mas attentive ang tingin nito. “I’m listening.”

Saglit na natahimik si Tamara, parang tinatantiya ang mga salitang sasabihin. “Nakausap ko kasi yung kambal… kanina habang nagbibihis kami papunta sa pool.”

“Ah, yes. Sina Liana at Thunder. Masaya sila dito.” ngumiti ang matanda. “Pero alam kong may sariling buhay ka rin sa abroad. Hindi ko sinasabing iwan mo iyon nang basta—”

“Dad,” putol ni Tamara, malumanay pero matatag. “Sinabi ng mga bata na ayaw na nilang bumalik sa abroad. Gusto nilang dito lumaki… dito kasama ng pamilya.”

Natigilan si Apollo, halatang nagulat pero natuwa.

“At ikaw? Ano ang gusto mo, anak?”

Napatingin si Tamara sa hardin—sa mga bulaklak, sa katahimikan, at sa malayong tawanan ng kambal.

“Gusto ko rin dito,” pag-amin niya. “I’ve been away for so long. Parang sa sobrang tagal ko sa abroad, kahit ako… nakalimutan ko kung ano bang pakiramdam ng home.”

Tumango ang matanda, malumanay ang ngiti. “Then stay. Kung dito ka masaya, if this is where your children want to grow up… stay here. I’ll support you.”

Huminga nang malalim si Tamara, at sa unang pagkakataon matapos ng maraming taon, naramdaman niya ang gaan sa dibdib.

“So… about the job,” pagpapatuloy niya. “If the offer still stands… tinatanggap ko po.”

Lumawak ang ngiti ni Apollo. “Of course. I’ll arrange everything. Ang galing mo noon pa, Tamara. Sayang nga nagtagal ka nang sobra sa abroad.”

“May dahilan naman po kung bakit,” sagot niya, may bahagyang pait ngunit hindi na ganoon kabigat. “Pero this time… gagawin ko na para sa’min ng mga anak ko.”

Habang nag-uusap pa sila, biglang dumating ang kambal, parehong basa at tumatawa, may dala pang maliit na flower crown na gawa ni Massie.

“Mommy!” sigaw ni Liana sabay lapit. “Sabi ni Tito Liven, dapat daw dito na tayo tumira! Pwede ba, Mommy? Please?”

Natawa si Tamara, niyakap ang anak, at napatingin sa ama.

“Pwede na, anak. We’re staying.”

Sumigaw ng tuwa ang kambal at halos yakapin ng sabay si Tamara. Habang nagkakasiyahan sila, hindi nila namalayang nasa di-kalayuan si Lexus, nakatayo sa may pasilyo, nakasandal sa poste. Tahimik niyang pinapanood ang eksena.

Hindi niya maiwasang mapataas ang kilay.

“Staying, huh…” mahina niyang bulong.

At habang pinagmamasdan niya ang kambal na nakayakap kay Tamara— masaya, komportable, at tila ba sanay na sanay sa lugar ay muling sumiksik sa isip niya ang tanong na kanina pa niyang iniiwasan.

Talaga bang anak sila ni Franz? Can’t wait to find out.

Dumating ang araw ng lunes. Maagang dumating si Tamara sa kumpanya. Halos siya lang ang tao sa lobby—malinis, tahimik, at malamig ang aircon na tila nagpapakalma sa mabilis na tibok ng puso niya. Suot niya ang simpleng cream blazer, slacks, at isang mahinhing make-up na nagbigay sa kanya ng professional pero eleganteng aura.

Bitbit niya ang brown envelope na naglalaman ng requirements niya.

First day.

New start.

New life for the twins.

Hawak niya ang kinabahan pero excited na ngiti habang paakyat ng elevator.

Pagdating niya sa fifth floor, bumungad ang corporate hallway—malinis, modern, may mga empleyadong abala sa paghahanda para sa araw.

“Good morning,” bati niya nang may magaan na ngiti.

Ngumiti rin ang ilan, others seemed curious. Maraming mata ang napatingin sa kanya—bagong mukha, bagong empleyado, pero may dating ang presensya.

Habang naglalakad siya papunta sa small conference room kung saan mag-o-orient ang HR, biglang bumukas ang pinto ng executive office.

At lumabas si Lexus.

Nakatigil siya sa paglalakad. Nagkatinginan sila.

Isang iglap lang iyon, pero sapat para muling sumikip ang dibdib ni Tamara.

At si Lexus—napaangat ang kilay, halatang nagulat… pero hindi sapat ang gulat para itago ang pagtataas ng ego niya.

“Oh,” aniya, naglakad papalapit habang nakasuksok ang kamay sa bulsa. “So it’s true. First day mo na pala today.”

Narinig iyon ng ilang empleyadong naglalakad.

Napahinto ang iba, nagkunwari pang naghahanap ng gamit pero halatang nakikinig.

Tumayo si Lexus sa tapat niya, nakatingin mula ulo hanggang paa, parang sinusuri siya.

“So… this is it? Ready ka na ba? Baka naman mag-ala VIP ka rito?”

Narinig niya ang bahagyang pagtawa ng dalawang staff sa likod.

Mariin niyang hinigpitan ang hawak sa envelope. “Kung may problema ka, Lexus, sabihin mo nang diretsahan.”

Ngumisi ito, malamig. “Well, una sa lahat… akala ko ayaw mong magtrabaho sa kumpanya namin. Tapos biglang sumulpot ka dito? Convenient.”

“Professional environment ito,” mariing sagot ni Tamara. “Grow up.”

Pero hindi tumigil si Lexus.

Naglakad ito palibot sa kanya, mabagal, parang nang-aasar ng hayop na nakorner.

“I just want to make sure,” aniya. “Baka mamaya—hindi mo kayanin. Hindi lahat kaya ang pressure dito. Hindi ito simpleng trabaho.”

May tumikhim na empleyado. Halata ang tensyon. Iba’t ibang mata ang nakatingin—may nanonood, may nahihiya, may intrigued.

Tumigil si Lexus sa likod niya, saka nagsalita.

Malumanay… pero may halong pait.

“Baka naman… napilitan ka lang? Dahil—wala ka nang choice?”

Doon siya nainis. Parang sinadya nitong tirahin ang mga insecurities na pinakatago-tago niya.

Huminto siya, at dahan-dahang lumingon. At sa wakas, sabay silang humarap sa isa’t isa — malapit at ramdam nila ang tensyon.

“Hindi ako napilitan,” mariin niyang sabi. “At hindi ko kailangan ng basbas mo para magtagumpay dito. Kung may problema ka, keep it professional.”

Nang makitang hindi natitinag si Tamara, para bang na-challenge si Lexus.

Sumilip ang iritasyon sa mukha niya, pero may halong pagtataka. At may bagay sa mga mata nito na hindi mabasa ni Tamara— parang… kilig?

O inis na may halong pag-aalala?

Hindi niya mawari.

Pero bago pa siya makapagsalita pa, may biglang lumapit na supervisor.

“Ma’am Tamara Luxerio?”

“Yes?”

“Welcome po. I’ll walk you to HR. Naghihintay na sila.”

Agad na nagbago ang atmosphere. Nilingon ng supervisor si Lexus, nagulat din, at bahagyang yumuko.

“Sir Lexus, good morning po.”

Hindi kumibo si Lexus. Nakatingin lang siya kay Tamara habang naglalakad ito palayo.

At parang may bumabagabag sa loob niya na ayaw niyang aminin.

Nang mawala na si Tamara sa hallway, saka lamang nakahinga ang mga empleyado.

Narinig pa ng dalawa na nagbubulungan…

“Ang harsh ni Sir Lexus.”

“Pero ang composed ni Ma’am Tamara, grabe.”

“Bagay silang mag-away.”

Napasandal si Lexus sa pader, mabigat ang dibdib. Hindi niya alam kung bakit kanina pa siya iritado. Hindi niya alam kung bakit ang first day niya ang pinaka naka-trigger sa kanya.

Pero ang pinaka hindi niya maipaliwanag—

Bakit nasasaktan siya sa ideyang… hindi siya ang rason kung bakit bumalik si Tamara dito?

Pagbalik ni Lexus sa opisina, halatang masama pa rin ang timpla niya. Malalalim ang hinga, mahigpit ang kapit sa ballpen, at kahit ang pag-upo niya sa swivel chair ay may diin na parang gusto niyang hukayin ang sahig. Hindi pa man siya nagsisimula sa trabaho, nag-vibrate na ang cellphone niya.

Calling… Aryana.

Napapikit siya sandali bago sinagot.

“Hello, babe?” malambing ang boses ni Aryana, pero parang tumama iyon sa tensyon sa paligid ni Lexus.

Hindi agad sumagot si Lexus. Napansin ito ni Aryana at agad na kumunot ang tono niya.

“Hey… what’s wrong? You sound pissed.”

Napahawak si Lexus sa noo, pilit pinapakalma ang sarili, pero ramdam sa boses niya ang inis.

“It’s nothing—”

Bigla ay pumasok si Jeiron, ang kababata niyang anak ni Tito Epifanio niya.

“What’s up, nigga!” balak niya sanang senyasan ito na tumahimik pero huli na dahil sobrang daldal nito. “I saw Tamara here!” tila nang aasar pa nitong sambit.

Tumigil saglit si Aryana. “Tamara? You’re adopted sister? What about her?”

Napabuntong hininga na lamang si Lexus at masamang tumingin kay Jeiron.

“Sorry, man.” bulong naman ni Jeiron at pinipigilan ang hindi matawa.

“Fvck you!” walang boses naman na sambit ni Lexus bago nagsalita sa kabilang linya.

“She started today. First day niya sa kumpanya… at hindi man lang ako na-inform.” Bumuntong-hininga siya, halatang nainis pa lalo sa mismong pagsabi niya nito. “At ang kapal pa ng mukha—sumulpot nang parang wala lang. Tapos—”

“Tapos?” may halong kaba at inis ang tanong ni Aryana.

“Tapos I just warned her na mag-ingat at ayusin ang trabaho. And when I talked to her, nagmukha pang ako ang masama. Ugh.” Madiin ang pagbitaw niya sa ballpen, kumalabog ito sa mesa.

Natahimik si Aryana saglit, pero ramdam sa boses ang selos at hindi maipaliwanag na inis.

“So she’s really going to work there… sa company mo? As in every day… you’re going to see her?”

Napapikit si Lexus. “I don’t want to deal with her, Aryana. She’s… annoying. At ayoko ng drama.”

Pero kahit sinabi niya iyon, hindi niya napigilang maalala ang mukha ni Tamara kanina—yung nagulat, yung parang nasaktan sa biro niya, yung mabilis nitong pagyuko na tila pinipigilan umiyak.

Napansin ni Aryana ang sandaling katahimikan niya.

“Lexus…” bumaba ang tono ng babae. “Don’t tell me naaapektuhan ka sa presensya niya?”

Nanlamig ang dibdib niya.

“Aryana, don’t start.”

“I’m just asking,” sagot nito, pero halatang nagtatampong may halong pag-aalala. “I know she hurt you before. I just don’t want her creating trouble now—lalo na sa’tin.”

Napaawang ang labi ni Lexus. Anong alam ni Aryana?

“What do you mean?”

“Ah— I mean, ‘di ba nasaktan ka nang umalis siya nang walang paalam nung mga dalaga at binata na kayo? Since you treat her like a real sister. That's why galit ka sa kaniya? That's what Mommy Melody told me.”

Napahinga nang malalim si Lexus, at pilit inaayos ang sarili.

“Aryana… don’t worry. I don’t care about her anymore. Naiinis lang ako dahil—” napakunot ang kilay niya. “Wala siya sa lugar.”

“Okay… I trust you. But babe… please be careful. People talk. And ayoko maging issue tayo d'yan.”

Lexus softened a little. “I got it. Don’t worry. I’ll handle it.”

Pero pag-end ng call, hindi pa rin mawala ang bigat sa dibdib niya.

At sa sulok ng isipan niya kahit ayaw niyang aminin— hindi lang dahil naiinis siya kay Tamara… kundi dahil may mga nararamdaman siyang hindi niya maipaliwanag.

“My bro is namamangka sa dalawang ilog!” bigla ay sigaw ni Jeiron.

“Damn you! Hindi mo alam ang sinasabi mo! Muntik na akong mahuli kanina!”

Natatawang umupo si Jeiron sa sofa.

“So, Tamara is back. What’s your plan? Winning her back or tuluyan mo na siyang pakakawalan?”

Napatayo si Lexus at kumuha ng sigarilyo saka ‘yon sinindihan at humithit muna siya bago nagsalita.

“Wala akong planong pulutin ang basurang matagal ko nang tinapon. She’s nothing to me now.”

Sabay naman silang napatingin sa pintuan nang bumukas 'yon. Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ni Lexus.

“Kupal ka talaga.” inis na sambit nang nasa pintuan.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 9: GUTIERREZ

    Pagkarating naman ni Tamara sa Designer Department, agad niyang naramdaman ang ibang atmosphere. Mas creative, mas light, mas maingay nang bahagya kumpara sa crisp at formal na hallway sa executive floor.Ang mga mesa ay may mood boards, color palettes, scattered sketches, at ilang sample fabrics. May mga nakasabit na miniature models ng future projects at mga vision board na puno ng inspiration photos.At sa gitna ng department, dalawang babae ang abala sa pag-aayos ng sample swatches habang nagtatawanan.“Hi, Ma’am? Kayo po ba si Tamara?”Una siyang nilapitan ng isang chinita, masayahin ang mukha, naka-bob cut at may suot na oversized cream sweater.Paglingon ni Tamara, agad siyang binati ng warm smile.“Hi, yes. I’m Tamara,” magaan niyang sagot.“Wah, ang ganda mo po. Ako naman si Luiella.Lumapit din ang isa pang babae—mas tahimik tingnan pero fierce ang features, naka-ponytail at may hawak na tablet.“Welcome po sa department namin. I’m Kyline by the way. New hire, right?” tanong

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 8: LIVEN’S WORDS

    “Kupal ka talaga,” kunot-noong sabi ni Liven, sabay bagsak ng folder sa mesa ni Lexus.Napamulagat si Jeiron.“Uy, bro—relax,” sabay tawa niya pero halatang na-curious. “Narinig mo ba—”“Narinig ko lahat.” putol ni Liven, hindi tumitingin kay Jeiron. “Lexus.”Lumingon si Lexus, hawak ang yosi pero hindi makasinghot. “What? Kung sesermonan mo ako—save it.”Lumapit si Liven sa kanya, mabagal, may bigat bawat hakbang. Parang hangin sa kwarto ay sumisikip sa bawat segundo.“‘Basurang matagal mo nang tinapon,’ ha?” malamig na ulit nito. “So gano’n na tawag mo kay Tamara ngayon?”Napangiwi si Lexus.“Don’t twist my words.”“Hindi ko tinitwist. Narinig ko mismo.” Saglit na huminga si Liven, pilit pinapakalma ang sarili. “God, Lex… hindi ka ba napapagod sa pag-arte na galit ka? Na wala kang pake?”Tumawa si Lexus, mapait. “Don’t psychoanalyze me, Liven. Hindi ako ikaw.”“Exactly,” mabilis na sagot ni Liven. “Kasi ako—marunong umamin kapag may mali. Ikaw? Hindi mo kayang tanggapin na naaapektu

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 7: ASO’T PUSA!

    Kinabukasan ay maaga pa lang ay gising na si Tamara. Tahimik ang buong bahay, tanging huni ng mga ibon at mahinang kaluskos ng hangin sa mga kurtina ang maririnig. Nakasandal siya sa wooden railing ng balkonahe, hawak ang isang tasa ng kape na halos hindi niya nalalasahan. Mabigat ang dibdib niya, hindi dahil sa problema—kundi dahil sa desisyon na kailangan na niyang gawin.Kasunod ng maliliit na yabag, lumabas si Liana, ang panganay niya, dala ang paborito nitong plush toy.“Mommy… are we really going back to Singapore?” tanong nito, nakakunot ang noo, may halong lungkot sa boses.Napatingin si Tamara sa anak, bago pa siya makasagot, lumabas si Thunder, kasunod si baby Sofia na nasa yakap ng kanilang yaya.“Mom, gusto ko dito,” sabi ni Thunder, diretso at walang pasikot-sikot. “I can play outside. I can be with Lolo. And… mas masarap pagkain dito.”Natawa si Tamara kahit papaano, pero sa likod ng tawa niya ay pagtatama ng isip at puso.Umupo sila sa balkonahe—magkakatabi, magkakadiki

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 6: DNA TEST

    Kinabukasan, tawanan at harutan ng mga bata ang sumalubong kay Lexus. Sandali siyang napahinto dahil hindi siya sanay sa ganoong atmosphere. Maagang nagising ang kambal—tumatawa habang nag-aagawan ng laruan sa sala. Sa gilid naman, si Tamara ay abala sa paghahanda ng almusal, suot ang simpleng apron, nakapusod ang buhok, at may ngiti sa labi na tila walang mabigat na iniisip.Ilang segundo lang pero tila huminto ang oras para kay Lexus. Hindi niya alam kung dahil ba sa amoy ng bagong lutong pancakes o dahil sa tanawing parang bumabalik sa kanya ang nakaraan—’yung mga panahong madalas siyang bumisita kina Tamara, bago pa man sila magkaroon ng kanya-kanyang buhay.“Good morning, Tito Lexus!” masiglang bati ng kambal sabay lapit at yakap sa kanya.Napakurap siya, bahagyang nagulat sa pagiging malapit ng mga bata sa kanya. “O-oh, good morning,” mahina niyang sagot, sabay haplos sa ulo ng isa.“Ang aga n’yo ah,” pilit niyang dagdag, sinusubukang itago ang pagkailang. Pero habang pinagmamas

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 5: A BAD JOKE?

    Mabilis na pinulot ni Lexus ang cellphone. Muling tiningnan ang mensahe, pero bago pa siya makapagsimulang mag-isip ng kung anu-ano, isang bagong notification ang dumating.> “Sorry bro. Wrong send. Para dapat ’yon kay Massie. Don’t mind it.”Napatigil si Lexus. Ramdam niya ang matinding kabog ng dibdib, pero kasabay no’n, unti-unting bumigat ang pakiramdam niya. Para siyang binitin sa ere.“Wrong send…” bulong niya sa sarili, pilit na pinapakalma ang sarili. Pero kahit anong pilit, hindi siya mapalagay. Bakit gano’n ang laman ng mensahe? About Tamara. And the kids.Napaupo siya muli sa gilid ng kama, hawak-hawak ang cellphone na para bang ito ang susi sa lahat ng tanong na matagal nang gumugulo sa kanya. Gusto niyang mag-reply. Gusto niyang tanungin si Liven kung ano ba talaga ang ibig sabihin niyon. Pero natigilan siya—ano ang karapatan niya para manghimasok?Bumaling siya sa natutulog na si Aryana. Payapa ang mukha nito, walang alam sa bagyong dumaraan sa isip niya. Saglit niyang i

  • THE BILLIONAIRE'S BURNING DESIRE   CHAPTER 4: IT’S HURT

    Umalis na sina Lexus at Aryana, at kahit isang sulyap ay hindi man lang ibinigay ni Lexus kay Tamara. Naiwan sila sa venue, kasama ng ingay ng musika at halakhakan ng mga bisita, pero para kay Tamara, parang wala na siyang naririnig. Parang lahat ay biglang naglaho at siya na lang ang naiwan sa gitna ng isang masayang selebrasyon na hindi niya maramdaman.Ang bigat ng dibdib niya. Pilit siyang ngumiti kanina para hindi mahalata ng iba, pero ramdam niya sa sarili niyang wala na siyang gana. Kaya umupo siya sa mesa, nakatitig lamang sa baso ng wine na hindi niya man lang ginagalaw.Maya-maya, naramdaman niya ang pag-upo ni Franz sa tabi niya. Tahimik lang ito saglit, pero ang presensya nito ay sapat para kumalma kahit kaunti ang kaba sa puso niya.“Is it hurt?” tanong ni Franz, diretso pero mababa ang tono ng boses.Napalingon si Tamara, pilit na ikinukubli ang emosyon sa mga mata. “What do you mean?”Mas tumindi ang titig ni Franz sa kanya, halos parang binabasa nito ang kaluluwa niya.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status